aralin 5 Flashcards
Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay
nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip. Umunlad ang kakayahan ng taong tumuklas ng
mga bagayna kakilanganin nila upang mabuhay kaya sila ay nakadiskubre ng mga wikang
kanilang ginamit sa pakikipagtalastasan. Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang mga
iskolar ay nagsimulang mag-usisa kung paanong ang tao ay nagkaroon ng mga wika.
Nagsulputan ang sumusunod na mga teoryang nagtatangkang ipaliwanag ang pinagmulan ng
wika.
EBOLUSYON
Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog
ng kalikasan.
Ito marahil ang dahilan kung bakit ang boom ay palaging naikakabit sa pagsabog, splash sa
paghampas ng tubig sa isang bagay, at whoosh sa pag-ihip ng hangin.
Sinasabing ang paggaya sa mga tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita
ng mga sinaunang tao. Ipinakikita ng teoryang ito na ang lahat ng bagay ay may sariling tunog na
maaaring gamitin upang pangalanan ang bagay na iyon. Malaking tulong ang paggaya ng mga tunog
sa paglikha nila ng sariling wika.
TEORYANG DING DONG
Katulad ng teoryang Ding-Dong, ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa
mga tunog na nilikha ng mga hayop, katulad ng bow-wow para sa ao, ngiyaw para sa pusa,
kwak-kwak para sa pato, at moo para sa baka.
Pinaniniwalaang nabuo ng mga primitibong tao ang kanilang mga unang salita sa panggagaya sa mga
ito.
Sinasabi pang kagaya ng mga sanggol na nag-uumpisang magsalita, ginagaya ng mga ito ang mga tunog
na kanilang naririnig. Hindi rin nakapagtataka kung bakit tinawag na “tuko” ang tuko. Ngunit marami
ang hindi sang-ayon sa teoryang ito sapagkat sa bawat bansa ang mga tawag sa tunog na nilikha ng
mga hayop gayong pare-pareho naman ang mga ito.
TEORYANG BOW-WOW
Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng
sinaunang tao nang makaeramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap,
kalungkutan, at pagkabigla.
Hlaimbawa, ang patalim ay tinawag na ai ai sa Basque sa kadahilanang ai ai ang winiwika kapag
nasasaktayn. Ang ibig sabihin ng ai ai sa Basque ay “aray.”
TEORYANG POOH-POOH
Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw
ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita.
Ayon sa mga nag-aral ng ebolusyon ng tao, ang salita raw ay mula sa mga galaw at kumpas na humantong
sa pagkilala ng wika.
TEORYANG TA-TA
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsama-sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang
magkakasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho
nang sama-sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.
TEORYANG YO-HE-HO