Aralin 5 + 6: Tekstong Persuweysib at Naratibo Flashcards
/ Nanghihikayat
Uri ng di-piksiyon na pagsulat na naglalayong kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat tungkol sa isang isyu o paksa
“Persuasive Writing” o Mapanghikayat na Pagsulat
Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.
Tekstong Persuweysib
May patunay mula sa siyentipikong pag-aaral at pagsusuri at hindi nagpahayag
ng personal at walang batayang opinyon
Tekstong Persuweysib
Ang tekstong persuwersib ay naglalaman ng:
- Malalim na Pananaliksik
- Kaalaman sa mga Posibleng Paniniwala ng mga Mambabasa
- Malalim na Pagkaunawa sa Dalawang Panig ng Isyu
Sa Tekstong Persuweysib, kailangan magbigay ng matibay na ebidensya na susuporta sa kanyang paninindigan, at hindi lamang umasa sa emosyonal na apela.
Malalim na Pananaliksik
Kailangan ito sa Tekstong Persuweysib upang epektibong masagot ang mga maling akala at hikayatin silang sumang-ayon sa kanyang pananaw.
Kaalaman sa mga Posibleng Paniniwala ng mga Mambabasa
Kailangan ito sa Tekstong Persuweysib upang masagot nang maayos ang mga paniniwala ng mambabasa.
Malalim na Pagkaunawa sa Dalawang Panig ng Isyu
Nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksiyon.
Tekstong Naratibo
Gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t-ibang imahen, metapora, at simbolo
Tekstong Naratibo
Ano ang layunin ng Tekstong Naratibo?
- Magsalaysay o Magkuwento (Totoo man o Hindi)
- Magbigay ng Kawilihan sa Mambabasa
Ayon kay Patricia Melendez-Cruz (1994) sa kanyang artikulong “Ideolohiya Bilang Perspektibong Pampanitikan”:
Kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong
proseso ng lipunan.
Ayon kay Patricia Melendez-Cruz (1994), kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong
proseso ng lipunan. Bakit?
Dahil ang mahusay na panitikan ay
kinakailangang naglalarawan sa mga
realidad ng lipunan at nagbibigay ng
matalas na pagsusuri dito.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo:
- Paksa
- Estruktura
- Oryentasyon
- Pamamaraan ng Pagsasalaysay
- Komplikasyon o Tunggalian
- Resolusyon
Elemento sa pagbuo ng mahusay na Tekstong Naratibo na kung saan kailangang pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan.
Paksa
Elemento sa pagbuo ng mahusay na Tekstong Naratibo wherein maaaring magsimula sa simula, gitna, o wakas, basta’t maayos ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari at ito ay malinaw at lohikal upang madaling maunawaan ng mambabasa ang teksto.
Estruktura