Aralin 3 + 4: Tekstong Impormatibo at Deskriptibo Flashcards
Tinatawag ding ekspositori, sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
Tekstong Impormatibo
Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Tekstong Impormatibo
Mahalaga ang pagbasa ng mga Tekstong Impormatibo sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng:
- Pagbasa
- Pagtatala
- Pagtukoy ng Mahahalagang Detalye
- Pakikipagtalakayan
- Pagsusuri
- Pagpapakahulugan ng Impormasyon
Ayon kina Chal, Jacobs, at Baldwin (1990) sa kanilang pananaliksik na “The Reading Crisis: Why Poor Children Fall Behind”:
“Ang kakulangan sa pagtuturo ng mga tekstong impormatibo ay nagdudulot ng pagbaba sa komprehensiyon o kakayahang umunawa ng mga mag-aaral sa ganitong teksto.”
Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulong “Developing ESL/FL Learners’ Reading Crisis: Why Poor Children Fall Behind,”
Ang tatlong (3) kakayahan upang unawain ang mga Teksong Impormatibo ay:
(1) pagpapagana ng mga imbak na kaalaman
(2) pagbuo ng mga hinuha; at
(3) pagkakaroon ng mayamang karanasan
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo:
- Sanhi at Bunga
- Paghahambing
- Pagbibigay-depinisyon
- Pagkaklasipika
Ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon ng dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari at ano ang resulta nito.
Sanhi at Bunga
Mga tekstong nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari.
Paghahambing
Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto.
Pagbibigay-depinisyon
Ang estrukturang ito naman ay naghahati-hati ng isang malaking paksa o idea sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
Pagkaklasipika
Layunin ng teksto ang maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa sa pamamagitan ng pagpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
Tekstong Deskriptibo
Ang 3 Katangian ng Tekstong Deskriptibo:
- Malinaw at pangunahing impresyong na nililikha sa mga mambabasa
- Obhetibo at subhetibong paglalarawan
- Espesipiko at naglalaman ng konkretong detalye.
“Espesipiko at naglalaman ng konkretong detalye.” Ito ay isang…
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
“Malinaw at pangunahing impresyong na nililikha sa mga mambabasa.” Ito ay isang…
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
“Obhetibo at subhetibong paglalarawan.” Ito ay isang…
Katangian ng Tekstong Deskriptibo