Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa Flashcards
Sino nagsabi na:
“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. MAGBASA KA UPANG MABUHAY”.
Gustave Flaubert
Saan galing si Gustave Flaubert?
Pransiya / France
Anong ibig sabihin ng “Magbasa ka upang mabuhay”?
Mas malalim pa at malawak ang naibibigay ng pagbasa.
Mahalaga ang proseso ng asimilasyon ng anumang binabasa sa buhay ng isang tao.
Ayon kay Anderson, ang pagbasa ay…
Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
Bakit sinabihang isang kompleks na kasanayan ang pagbasa?
Nangangailangan ito ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon.
Ang mga bahagi ng pagbabasa ay:
- Kaalamang Ponemiko
- Pag-aaral ng Ponolohiya
- Katatasan (Fluency)
- Bokabolaryo
- Komprehensyon
Ayon kay Wixson et al.:
Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng…
- Imbak o Umiiral ng Kaalaman (Stock Knowledge)
- Impormasyong Ibinibigay ng Tekstong Binabasa
- Konteksto ng Kalagayan o Sitwasyon sa Pagbabasa
Masinsinan at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto.
Intensibong Pagbasa
Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye at estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda.
Intensibong Pagbasa
Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin.
Intensibong Pagbasa
Gumagamit ng masaklaw at maramihang materyales.
Ekstensibong Pagbasa
Isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
Ekstensibong Pagbasa
Layunin nito na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga espesipikong detalye na nakapaloob dito.
Ekstensibong Pagbasa
Ano ang pagkakaiba ng Intensibong at Ekstensibong Pagbasa?
- Intensibong Pagbasa: Espesipikong Detalye
- Ekstensibong Pagbasa: Pangkalahatang Ideya
Ito ay mabilisang pagbasa kung saan ang pokus ay maghanap ng tiyak na impormasyon na itinakda bago magbasa.
Scanning