Aralin 5 Flashcards
pagmalas sa isang bagay sa tunay na kalikasan nito, isang walang pagkiling na pagsisikap na matutunan at mapalaganap ang pinakamabuting nalaman at naisip sa sanlibutan
pagsusuri o pamumuna
Nakakaramdam ng poot, ng galit, ng pagkahabag, ng panlulumo, ng kasayahan at iba pang damdamin ang isang mambabasa.
Bisa sa damdamin
Ginagabayan tayong mag-isip upang mapaunlad at mapayaman ang pagkukuro, diwa o kaisipan ng mambabasa lalo na napapagalaw ang imahinasyon
Bisa sa isip
hinihimok tayong magsagawa ng kabutihan. Ituwid ang buhay ayon sa kabutihan na ipinamalas ng Dakilang Lumikha. Ang dating baluktot na nakasanayan ay itinutuwid.
Bisa sa asal
Katulad ng pagbibigay impormasyon, paghahatid ng kasiyahan, pangangaral o pagpukaw ng isipan at damdamin ay tinutukoy na
Layunin
Ano ang pinag-uusapan? Pag-ibig sa Panginoon, paglalakbay ng magkasintahan, pagbabago ng isang mag-aaral? at iba pa. Tinatawag ito na
Tema
Ano ang ginagawa ng isang akda? Nanunuya, nagbibiro, nang-aasar o seryoso? ____ ang tawag dito.
Tono
Iba’t Ibang Dulog /Approaches sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampantikan
- Arkitaypal
- Eksistensyalismo
- Feminismo
- Humanismo
- Marxismo
- Moralistiko
- Naturalismo
- Realismo
- Romantisismo
- Sikolohikal
- Imahismo
- Queer
- Sosyolohikal
makikita ang mga sumusunod na simbolismong ginagamit sa akda. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala sa mga mambabasa.
Arkitaypal
ang tao ay may kalayaang pumili para sa kanyang sarili na tinuturing na pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo
Eksistensyalismo
ang teroyang nagpapakilala ng kalakasan ng kababaihan. Nais iangat ang kakayahang pambabae sa lipunan. Layunin nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon sa kababaihan.
Feminismo
Tao ang sentro ng mundo. Nais ipakita ng teoryang ito na ang kalakasan ng tao ay bigyang tuon maging ang mabubuting katangian gaya ng talino, talento at iba pa. Ang kanyang karangalan at magagandang saloobin ay nagangailangang pahalagahan bilang isang tao sa akda.
Humanismo
Gumagamit ng mga imahen na higit na magpapahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya at saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita ang teoryang imahismo. Sa halip na gumamit ng paglalarawan, ang teoryang ito ay gumagamit ng ito
Imahismo
may layuning buksan ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan.
Marxismo
ipinapakita rito ang pagtutungggali ng mabuti sa masama. Kung paano ipinaglalaban ang sa mali.
Moralistiko