Aralin 3 Flashcards
Isang kwento o salaysay na mahaba, maraming tauhan at tagpuang mababasa sa mga kabanata.
Nobela o kathambuhay
Tatlong sangkap ng isang mahusay na nobela
a. Ang kwento o kasaysayan
b. Ang pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng sangkatauhan
c. Ang paggamit ng malikhaing guniguni
Uri ng Nobela
a. Nobela ng romansa
b. Nobelang makabanghay
c. Nobela na salig sa kasaysayan
d. Nobela ng tauhan
e. Nobela ng layunin
f. Nobelang masining
ang nobela ay kasasalaminan ng katutubong ugali ng mga Filipino. Marahil naaipapaliwanag ito sa nobelang Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña. Sa nobelang ito ay ipinahahayag ang katapatan ng isang kaibigan ng mga taganayon. Ang pagpapahalaga sa puri at dangal ng isang dalagang Filipina atbp.
Tradisyong katutubo
sa nobela nababasa ang tungkol sa pananampalataya, ang pagkilala sa kapangyarihan ng Panginoon ang mga pagmimilagro at tungkol sa kagandahang asal.
Tradisyong panrelihiyon
sa nobela, pinag-ukulan ng pansin ang emosyon, ang damdamin, inilalarawan ang magandang bagay at ng lungkot, at kaligayahan, ang pantasya tulad ng mga inilalarawan sa nobelang “Sampaguitang Walang Bango” ni Iñigo Ed Regalado.
Tradisyon romantisismo
ang pagbabagong bunga ng pag-unlad ng agham at teknolohiya kasabay ng pagkagising ng mga Filipino sa pagpapahalaga sa demokrasya at nasyonalismo ay nakaimpluwensiya sa pagbabago ng himig at paksa ng mga nobela. Nabaling ang mga paksa sa mga makatotohanang pangyayaring nagaganap sa paligid sa lipunan sa pamahalaan at pulitika.
Tradisyong realismo
layunin na itanghal sa entablado ang mga pangyayari na maaring binubuo ng isa o higit pang pangyayari na may isa o higit pang mga pangunahing tauhan at mga katulong na tauhan.
Dula
Tatlon bahagi ng dula
Yugto
Tanghal
Tagpo
Mga uri ng dula
Trahedya
Komedya
Melodrama
Parsa
Saynete
Walang tinigang dula
Pangkasaysayang Dula
Dulang Papet
Dulang walang katotohanan
Sangkap ng dula
Tagpuan
Tauhan
Sulyap sa suliranin
Saglit na kasiglahan
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Kalutasan
Mga elemento ng dula
Iskrip o nakasulat na dula
Gumaganap o aktor
Tanghalan
Direktor
Manonood
nagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao mula nang siya’y isinilang hanggang sa pagkamatay.
Talambuhay
mababasa sa mga pahayagan na pawang kuro-kuro ng punong patnugot tungkol sa napiling paksa.
Pangulong tudling o editoryal
naglalahad ng mga pang-araw-araw na kaganapan sa loob at labas ng bansa. Sinasaklaw ang halos lahat na larangan tulad isport, pulitika, ekonomiya, edukasyon, kalusugan, relihiyon, espesyal at iba pang kauri.
Balita