Aralin 4 Flashcards
naglalarawan ng mga damdamin, karanasan, guniguni, kaisipan na maaaring nadama ng mga may-akda o ng ibang tao.
Tulang liriko
Nahahati ang tulang liriko sa mga sumusunod:
- Pastoral
- Dalit
- Pasyon
- Oda
- Awit/Kanta
- Elehiya
- Soneto
taglay ng tulang ito ang paglalahad ng makulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, kabiguan, tagumpay mula sa kahirapan.
Tulang pasalaysay
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay
- Epiko
- Awit
- Kurido
- Balad
isang tula na naglalayong ilarawan o ipahayag ang tunay na buhay sa kabundukan.
Pastoral
kadalasang pumupuri sa Diyos o kay Birhen Maria; nagtataglay ng mga pilosopiya sa buhay at patakaran ng relihiyon.
Dalit
ito’y isang aklat na inaawit kung panahon ng Mahal na Araw upang ilahad ang mga sakripisyo ni Hesukristo upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kanilang kasalanan
Pasyon
masigla ang nilalaman nito, pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao. Walang katiyakan ang bilang ng pantig at saknong sa bawat taludtod.
Oda
madamdamin ang nilalaman nito upang ipahiwatig ang pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, kaligayahan at iba pang naramdaman ng puso na kinahuhumalingan ng halos kabataan sa ngayon.
Awit/Kanta
naglalahad ito ng alaala ng isang yumao, guniguni tungkol sa
kamatayan, panangis at pananaghoy.
Elehiya
laging nagtataglay ito ng mga aral sa buhay, may labing-apat na taludtod at ang mga nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan, at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Soneto
isinasalaysay nito ang kagitingan ng isang tao, ang mga tagumpay niya sa digmaan, pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ang hindi kapani-paniwal sapagkat may kababalaghan at milagrong napapaloob. Inaawit lamang ito kapag may okasyon.
Epiko
Ang epiko ay nauuri sa tatlo:
pakutya, pampanitikan o makabago at
pambayani o sinauna.
ito ay tulang maromansa tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa kaharian tulad ng hari, prinsipe, reyna, prinsesa at duke. Higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari.
Awit
itoy’ tulang tuluyan tungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan at pananampalataya ng mga tauhan. Kahawig ng awit ang paksa nito.
Kurido
ito’y may himig sa awit sa dahilang inaawit ito habang may nagsasayaw noong unang panahon. Sa kasalukuyan, ay napabilang na ito sa tulang kasaysayan na may 6 hanggang 8 pantig.
Balad
katulad din ito ng karaniwang dula, ngunit ang mga dayalogo ay patula
Tulang Padula o Pantanghalan