Aralin 3 Flashcards
Ano ang balagtasan?
Ang balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula, kung saan may dalawang makata na nagpapahayag ng kanilang katwiran at isang lakandiwa na tumatayong tagapamagitan.
Ano ang layunin ng balagtasan?
Magbigay ng aliw sa mga manonood gamit ang matatalinong pangangatwiran, panunuya, panlilibak, at pagpapatawa.
Ano ang mga elemento ng balagtasan ayon kay Galileo Zafra (2000)?
- Taas ng diwa
- Linaw ng katwiran
- Sarap ng salita
Saan at kailan nagmula ang balagtasan?
Nagmula ito noong ika-28 ng Marso 1924 sa Instituto de Mujer sa Tondo, Maynila, bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ni Francisco Balagtas.
Bakit isinunod sa pangalan ni Francisco Balagtas ang balagtasan?
Dahil sa kahusayan ni Balagtas sa pagtula na hinangaan ng mga Pilipinong makata.
Sino ang dalawang pangunahing mambabalagtas noong dekada 1920?
Sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.
Ano ang karaniwang tema ng kanilang mga piyesa sa balagtasan?
Panunuligsa sa pamamahala ng mga Amerikano pagkatapos ng kanilang pananakop.
Saan isinilang si Florentino Collantes?
Sa Pulilan, Bulacan.
Anong mga publikasyong Tagalog ang naisulat ni Collantes?
Buntot Pagi at Pagkakaisa.
Ano ang papel ni Florentino Collantes sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Balagtas noong 1924?
Naanyayahan siyang maging kasapi ng mga manunulat sa Tagalog at tumulong sa paghahanda ng pagdiriwang.
Ano ang alyas ni Jose Corazon de Jesus?
“Huseng Batute.”
Saan isinilang si Jose Corazon de Jesus?
Sa Santa Cruz, Maynila.
Anong titulo ang itinawag kay Jose Corazon de Jesus?
“Hari ng Balagtasan.”
Ano ang pangunahing tema ng balagtasan?
Napapanahong paksa na pinagtatalunan.
Ano ang pangunahing tema ng balagtasan?
Napapanahong paksa na pinagtatalunan.