Aralin 1 Flashcards
Ano ang tula?
Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin o saloobin at gumagamit ng talinghaga.
Ano ang bumubuo sa isang taludtod ng tula?
Binubuo ito ng mga berso o linya.
Ano ang bumubuo sa isang taludtod ng tula?
Binubuo ito ng mga berso o linya.
Ano ang isang uri ng tula?
Tulang may sukat at tugma.
Sino ang sumulat ng tulang “Magmula, Giliw, nang ika’y Pumanaw”?
Si Gregoria de Jesus o Ka Oryang.
Kailan isinulat ang “Magmula, Giliw, nang ika’y Pumanaw”?
Taong 1897.
Kanino inihandog ni Gregoria de Jesus ang kanyang tula?
Sa kanyang kabiyak, si Andres Bonifacio, matapos itong paslangin sa Maragondon, Cavite noong Mayo 1897.
Bakit hinatulan ng kamatayan si Andres Bonifacio?
Dahil sa paratang na pagtataksil sa bayan.
Ano ang naganap sa Pilipinas nang patayin si Andres Bonifacio?
Nasa gitna ng isang rebolusyon laban sa mga Espanyol ang mga Pilipino.
Kailan ipinanganak si Gregoria de Jesus?
Ika-9 ng Mayo 1875.
Saan ipinanganak si Gregoria de Jesus?
Sa Caloocan.
Sino ang mga magulang ni Gregoria de Jesus?
Sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez.
Sino ang napangasawa ni Gregoria de Jesus?
Si Andres Bonifacio.
Ano ang kilalang titulo ni Gregoria de Jesus?
Lakambini ng Katipunan.