Aralin 2 Flashcards
Ano ang ponema?
Ang ponema ay yunit ng tunog na kumakatawan sa bawat letra, at kapag pinagsama-sama, nakabubuo ng salita.
Ano ang ponema?
Ang ponema ay yunit ng tunog na kumakatawan sa bawat letra, at kapag pinagsama-sama, nakabubuo ng salita.
Ano ang dalawang uri ng ponema?
- Ponemang Segmental
- Ponemang Suprasegmental
Ano ang layunin ng ponemang segmental?
Ginagamit ito upang makabuo ng mga salita at pangungusap.
Ano ang kumakatawan sa ponemang segmental?
Ang titik o letra.
Ano ang layunin ng ponemang suprasegmental?
Ginagamit ito sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa ang pakikipagtalastasan.
Kinakatawan ba ng titik o letra ang ponemang suprasegmental?
Hindi.
Kinakatawan ba ng titik o letra ang ponemang suprasegmental?
Hindi.
Ano ang tatlong aspeto ng ponemang suprasegmental?
- Diin
- Tono o intonasyon
- Antala
Ano ang diin?
Ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita kahit magkapareho ang baybay.
Ano ang tono o intonasyon?
Tumutukoy ito sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas upang maging malinaw ang pagsasalita at magkaunawaan ang nag-uusap.
Ano ang tatlong antas ng tunog?
- Mataas
- Normal
- Mababa
Ano ang antala?
Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
Ano ang epekto ng antala sa pangungusap?
Nagbibigay linaw sa kahulugan ng pangungusap.
Ano ang tuldik?
Marka na inilalagay sa ibabaw ng isang titik upang malaman ang tamang bigkas ng salita.
Kailan ginagamit ang tuldik?
Kapag hindi sapat ang konteksto upang maging tiyak ang kahulugan ng salita
Ano ang tuldik na pahilis (’)?
Inilalagay ito sa huling patinig kapag mabilis ang bigkas o sa ikalawang patinig kapag malumay.
Ano ang tuldik na paiwa (`)?
Inilalagay sa huling patinig kapag ang bigkas ay malumay ngunit may impit sa huling pantig.
Ano ang tuldik na paiwa (`)?
Inilalagay sa huling patinig kapag ang bigkas ay malumay ngunit may impit sa huling pantig.
Ano ang tuldik na pakupya (^)?
Inilalagay sa huling patinig kapag ang bigkas ay mabilis ngunit may impit sa huling pantig.