ap exam #3 Flashcards
Ito ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag- aalaga ng hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
sektor ng agrikultura
Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka.
Paghahalaman
tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas.
National Statistical Coordination Board (NSCB)
Ito ay binubuo ng pag- aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ito ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.
Paghahayupan
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa.
Pangingisda
ang pangingisda ay nauuri sa tatlo
komersiyal
munisipal
aquaculture
ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.
komersyal na pangingisda
ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.
munisipal na pangingisda
naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan
pangisdang aquaculture
Ito ay isang pangunahing pang- ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito.
Paggugubat
Kahalagahan ng Agrikultura (5)
- Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
- Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.
- Pinagkukunan ng kitang panlabas.
- Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
- Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod.