ap exam #1 Flashcards
Ito ay ang pagpataw ng isang pananagutang pampananalapi o ibang kapatawan sa isang tagapagbayad ng buwis (isang indibidwal o katauhang legal) mula sa isang estado o isang pantungkuling katumbas ng isang estado, na kung saan ang pagkabigong magbayad ay mapaparusahan ng batas.
Samakatuwid, ang buwis ay ang pera o salaping dapat bayaran ng mga tao sa pamahalaan.
Tax (Buwis)
Uri ng Buwis
Ayon sa Layunin
Ayon sa kung Sino ang Nagbabayad ng Buwis
Ayon sa Porsyento na Ipinapataw
Buwis na ipinapataw upang kumita ang pamahalaan.
FISCAL O GENERAL
Ipinapataw upang maisaayos ang paggamit o pagkonsumo ng produkto.
REGULATORY O SPECIAL TAX
Ang nagbabayad ng buwis na ito ay hindi maaaring ipasa sa iba.
Tuwiran
buwis sa taunang kita ng isang indibidwal o kumpanya.
Buwis sa Kita (Income Tax)
ibinabayad kapag isinalin ang ari-arian o Donor’s Gift Tax.
Buwis sa Pagsasalin ng Ari-arian
buwis sa lupa, gusali, makinarya, at iba pang dagdag na pagpapahusay sa isang pag-aari.
Buwis sa Lupa (Real Property Tax)
10% na buwis sa mga premyo sa mga larong pustahan tulad ng loterya, karera, raffle, at slot machine.
Buwis sa Premyo (WINNING)
Buwis na di tuwirang kinokolekta dahil ipinapataw sa presyo ng produkto o serbisyo. Ito ay ipinapasa kung hindi sa mamimili ay doon sa nagbebenta ng produkto.
DI-TUWIRAN
buwis para sa mga negosyo.
Value Added Tax (VAT)
Pagpapalawak ng umiiral na VAT. Ang mga nasasakupan nito ay ang mga sumusunod:
Serbisyo ng mga restawran, hotels, resorts, clubs, taxicabs, tourist buses at rent-a-car companies.
Imported na karne
EXPANDED VALUE ADDED TAX (E-VAT)
Buwis na ipinapataw sa lahat ng produktong kinokonsumo sa loob ng Pilipinas, inaangkat man o gawa dito.
EXCISE TAX
Buwis na batay sa bigat o bulto ng produktong naibenta.
SPECIFIC TAX
Buwis na batay sa prosesong pambenta ng isang produkto, kasama ang produktong panggatong.
AD VALOREM TAX
Buwis na binabayaran ng mga prodyuser at prosesor batay sa gross value (kabuuang halaga) ng benta mula sa pabrika at bodega.
PERCENTAGE TAX
Buwis na 4% na ipinapataw sa gross sales (kabuuang kita) ng mga restawran at mga kainan. 8% sa benta ng alak sa mga bar, 25% sa kainan malapit sa jai-alai fronton o karerahan at 12% sa mga bahay aliwan (day or night club).
Ang mga buwis na ito ay ipinapasa naman sa mga customer sa pamamagitan ng pagsama ng mga buwis na ito sa kwenta ng singil o chit.
CATERER’S TAX
Buwis na ibinabayad ng mga may-ari ng casino, jai-alai, sabungan, mga bahay-aliwan, sinehan at ipinapasa naman nila sa mga customer nila sa pamamagitan ng singil sa entrada at mga serbisyo (entrance and service charge).
AMUSEMENT TAX (Buwis sa Paglilibang)
Ito ang 12% na buwis sa kita ng mga hotel, motel, resthouse, lodging house, batay sa room occupancy o gamit ng mga silid.
HOTELS OPERATOR’S TAX (Buwis sa hotel)
2 pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan
a. tax
b. non - tax revenues
Buwis na binabayaran ng isang sambahayan o negosyo sa bawat kilowatt-hour ng elektrisidad na kinonsumo.
ENERGY TAX (Buwis sa Enerhiya)
Tumutukoy sa takdang porsyento na ipinapataw sa halaga ng ari-arian.
Habang lumalaki ang halaga ng ari-arian, tumataas ang halaga ng kabuuang buwis na masisingil.
PROPORTIONAL TAX
Ito ay kabaliktaran ng Progressive Tax, samakatuwid, lumiliit ang porsyento ng buwis na babayaran habang lumalaki ang kita.
Regressive Tax
ang dalawang pangunahing ahensya ng pamahalaan na may kapangyarihan at tungkuling mangolekta ng buwis sa kinita, sa importasyon, sa mana, sa regalo at iba pang butaw o multa.
BIR (Bureau of Internal Revenue) at Bureau of Customs
excise tax para sa mga dokumento, instruments, loan agreements, commercial papers, and on assignments, sales, and transfers of obligation at right or property incident. Ito ay ipinapataw sa mga maker, signor, issuer, acceptor, or transfer.
DOCUMENTARY STAMP TAX
taunang ibinabayad ng lahat ng residente ng Pilipinas mula edad 18 pataas
RESIDENTIAL TAX o SEDULA
Buwis na kinokolekta ng Lokal na Pamahalaan (City Government) (3)
RESIDENTIAL TAX o SEDULA
DOCUMENTARY STAMP TAX
REAL PROPERTY TAX
Nakapaloob dito ang nasisingil mula sa Lisensya, butaw, upa sa paggamit ng pantalan, kita ng Bureau of Post mula sa pagbebenta ng selyo, birth certificate, pasaporte at iba pang dokumento.
OPERATING AND SERVICE INCOME
Nakapaloob dito ang nasisingil mula sa Lisensya, butaw, upa sa paggamit ng pantalan, kita ng Bureau of Post mula sa pagbebenta ng selyo, birth certificate, pasaporte at iba pang dokumento.
OPERATING AND SERVICE INCOME
Kabilang dito ang kita ng GSIS, SSS, Landbank, Phil. Post Authority at iba pang negosyo na pag-aari ng pamahalaan.
KITA ng mga korporasyon Kontrolado at pag-aari ng pamahalaan
Buwis sa mga produktong hindi itinuturing na mahalaga.
Mga produktong sanhi ng mga bisyo tulad ng sigarilyo at alak.
SIN TAXES