Ap Flashcards
Ang pagtugon sa iyong mga pangangailangan at kagustuhan ay nangangahulugan ng paggamit ng ibat ibang produkto o serbisyo. Ito ay tinatawag na
pagkonsumo
ay isang ipotetikong yunit ng panukat ng utility o kapakinabangan na natatamo sa pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo.
utils
Ang utils ay ginagamit upang madaling mailarawan ang mga konsepto tulad ng
total utility at marginal utility.
Nakasalalay sa kinikita ng isang indibidwal (o pamilya) ang kaniyang kakayanan na Kumonsumo ng ibat ibang produkto o serbisyo.
Kita o Income
Mazaring magbago ang padron o pattern ng pagkonsumo ng isang indibidwal depende sa mga maaaring mangyari sa hinaharap.
Inaasahan sa Hinaharap
Nakadepende sa presyo ng isang produkto o serbisyo ang kahandaan ng isang indibidwal na bilhin ito.
Presyo
Habang dumarami ang bilang ng miyembro sa isang pamilya, nadaragdagan din ang produkto o serbisyo na kanilang kinokonsumo.
Bilang ng Miyembro ng Pamilya
Isang paraan ang
paggamit ng mga patalastas o adbertisment upang ipakilala o gawing popular ang isang produkto o serbisyo.
Patalastas
Naiintindihan nila kung ano ang kanilang hinahanap at kung ano ang kanilang mga priyoridad
May kamalayan sa kanilang mga pangangailangan at kagustuhan
Hindi sila nagmamadali sa pagbili at naglalaan ng oras upang maunawaan ang ibat ibang mga opsyon na magagamit
Nag-aaral at nagsasaliksik bago
bumili
Sinusuri nila ang iba’t ibang mga tindahan at website upang mahanap ang pinakamagandang deal
Naghahambing ng mga presyo at produkto
Alam nila kung magkano ang kaya nilang gastusin at hindi sila nag-o-overspend
May kamalayan sa kanilang badyet
Hindi sila nagpapadala sa mga gimik ng mga marketer at nagtitiwala sa kanilang sariling pananaliksik
Hindi madaling maimpluwensyahan ng mga advertisement
Alam nila kung saan sila pupunta kung mayroon silang reklamo
May kamalayan sa kanilang mga karapatan bilang isang konsyumer
Pinipili nila ang mga produkto at serbisyo na mabuti para sa kapaligiran at sa lipunan
Nagsusumikap na
maging responsableng mamimili
Ang mga mamimili ay may karapatan na bumili ng mga produkto at serbisy na ligtas para gamitin
Karapatan sa Kaligtasan
Ang mga mamimili ay may karapatan na makatanggap ng tumpak at sapat na impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili
Karapatan sa
Impormasyon