ANG PAG-UNLAD NG BALITA BILANG VIABLE NNA FORMAT NG RADYO SA PILIPINAS Flashcards
Ano ang socio political na salik sa pagpo-programa sa radyo?
Ang lagay ng politika at mga pangyayaring panlipunan sa Pilipinas na nagbigay daan para sa mga istasyon na i-akma ang kanilang mga nilalaman o programa
Ang socio political na salik ay may malaking epekto sa kung paano inihahatid ang mga balita at impormasyon sa publiko.
Ano ang papel ng radyo sa mga makasaysayang kaganapan?
Naging daan ang radyo sa pagbabalita ng mga makasaysayang kaganapan gaya ng mga sakuna at mga pangyayaring politikal
Ang mga makasaysayang kaganapan ay mahalagang bahagi ng kasaysayan na dapat ipaalam sa mga tao.
Paano nakakaapekto ang regulatory environment sa radyo?
Ang pagre-regulate o pag-kontrol ng Gobyerno ay may kinalaman sa pagbabagong anyo ng pagpo-programa sa radyo sa Pilipinas
Ang mga regulasyon ay nagtatakda ng mga alituntunin at limitasyon para sa mga istasyon ng radyo.
Ano ang epekto ng economic considerations sa radyo?
Ang kompetisyon o kalagayan ng radyo sa Pilipinas ay umiikot sa pagkakaroon ng kita o revenue upang magpatuloy sa pag-ere sa himpapawid
Ang kakayahan ng istasyon na kumita ay mahalaga para sa kanilang operasyon at pagpapanatili.
Ano ang naging pagbabago sa demand ng audience sa radyo?
Mas kumiling ang masa sa paghahanap at pakikinig ng balita kaysa sa aliw, na naging dahilan sa pagre-reformat ng mga istasyon
Ang pagbabago sa mga preference ng audience ay nag-udyok sa mga istasyon na baguhin ang kanilang programming.
Ano ang epekto ng technological advancements sa radyo?
Naging daan ang technological advancements upang mas palawakin pa ang demand sa balita at dahilan sa pagre-reformat ng mga istasyon
Ang mga makabagong teknolohiya ay nagbigay-daan sa mas mabilis at mas mahusay na paghahatid ng balita.