91-110 Flashcards
At ngayon, narito, nalalaman
ko na kayong lahat, na aking
nilibot na pinangaralan ng
kaharian, ay hindi na ninyo
muling makikita pa ang aking
mukha.
Aking talastas na pagalis ko ay
magsisipasok sa inyo ang mga
ganid na lobo, na hindi
mangagpapatawad sa kawan;
Gawa 20:25 at 29
At dumating ang isa sa pitong
anghel na may pitong mangkok,
at nagsalita sa akin, na
nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita
ko sa iyo ang hatol sa bantog na
patutot na nakaupo sa
maraming tubig;
At sa kaniyang noo ay
nakasulat ang isang pangalan,
HIWAGA, DAKILANG BABILONIA,
INA NG MGA PATUTOT AT NG
MGA KASUKLAMSUKLAM SA
LUPA.
At sinabi niya sa akin, Ang
tubig na iyong nakita, na
kinauupuan ng patutot, ay mga
bayan, at mga karamihan, at
mga bansa, at mga wika.
Apocalipsis 17:1 at 5 at 15
At silang lahat ay
nagsipanangis nang di kawasa
at nangagsiyakap sa leeg ni
Pablo at siya’y hinagkan nila.
Na ikinahahapis ng lalo sa
lahat ang salitang sinabi niya, na
hindi na nila makikitang muli pa
ang kaniyang mukha. At
kanilang inihatid siya sa kaniyang
paglalakbay hanggang sa
daong.
Gawa 20:37-38
Sapagka’t ako’y iniaalay na, at
ang panahon ng aking
pagpanaw ay dumating na.
Nakipagbaka ako ng mabuting
pakikipagbaka, natapos ko na
ang aking takbo, iningatan ko
ang pananampalataya:
Buhat ngayon ay natataan sa
akin ang putong na katuwiran,
na ibibigay sa akin ng Panginoon
na tapat na hukom sa araw na
yaon; at hindi lamang sa akin,
kundi sa lahat din naman ng
mga naghahangad sa kaniyang
pagpapakita.
II Timoteo 4:6-8
At siya’y sumigaw ng malakas
na tinig, na nagsasabi, Naguho,
naguho ang dakilang Babilonia,
at naging tahanan ng mga
demonio, at kulungan ng bawa’t
espiritung karumaldumal, at
kulungan ng bawa’t
karumaldumal at
kasuklamsuklam na mga ibon.
At narinig ko ang ibang tinig na
mula sa langit, na nagsasabi,
Mangagsilabas kayo sa kaniya,
bayan ko, upang huwag kayong
mangaramay sa kaniyang mga
kasalanan, at huwag kayong
magsitanggap ng kaniyang mga
salot:
Apocalipsis 18:2 at 4
Huwag kang magkakaroon ng
ibang mga dios sa harap ko.
Huwag kang gagawa para sa
iyo ng larawang inanyuan o ng
kawangis man ng anomang
anyong nasa itaas sa langit, o ng
nasa ibaba sa lupa, o ng nasa
tubig sa ilalim ng lupa:
Huwag mong yuyukuran sila, o
paglingkuran man sila; sapagka’t
akong Panginoon mong Dios, ay
Dios na mapanibughuin, na
aking dinadalaw ang
katampalasanan ng mga
magulang sa mga anak,
hanggang sa ikatlo at ikaapat na
salin ng lahi ng mga napopoot sa
akin;
Exodo 20:3-5
At pinalitan nila ang
kaluwalhatian ng Dios na hindi
nasisira, ng isang katulad ng
larawan ng tao na nasisira, at ng
mga ibon, at ng mga hayop na
may apat na paa, at ng mga
nagsisigapang.
Sapagka’t pinalitan nila ang
katotohanan ng Dios ng
kasinungalingan, at sila’y
nagsisamba at nangaglingkod
sa nilalang kay sa Lumalang, na
siyang pinupuri magpakailan
man. Siya nawa.
Roma 1:23 at 25
At palibhasa’y hindi nila
minagaling na kilalanin ang Dios,
ibinigay sila ng Dios sa isang
mahalay na pagiisip, upang
gawin yaong mga bagay na
hindi nangararapat;
Nangapuspus sila ng buong
kalikuan, ng kasamaan, ng
kasakiman, ng kahalayan;
puspos ng kapanaghilian, ng
pagpatay sa kapuwa tao, ng
pagtatalo, ng pagdaraya, ng
mga kasamaan; mga
mapagupasala,
Mga mapanirang puri, mga
napopoot sa Dios, mga
manglalait, mga palalo, mga
mapagmapuri, mga
mangangatha ng mga
kasamaan, mga masuwayin sa
mga magulang,
Mga haling, mga hindi tapat
sa tipanan, mga walang
katutubong paggiliw, mga
walang habag:
Roma 1:28-31
Na hindi nangangailangan
araw-araw na maghandog ng
hain, na gaya niyaong mga
dakilang saserdote una-una’y
patungkol sa kaniyang sariling
mga kasalanan at saka
patungkol sa mga kasalanan ng
bayan: sapagka’t ito’y ginawa
niyang minsan magpakailan
man, nang kaniyang ihandog
ang kaniyang sarili.
Hebreo 7:27
Sa kaloobang yaon tayo’y
pinapaging-banal, sa
pamamagitan ng pagkahandog
ng katawan ni Cristo na minsan
magpakailan man.
At katotohanang ang bawa’t
saserdote na araw-araw ay
nangangasiwa ng patayo at
naghahandog na madalas ng
gayon ding mga hain, na hindi
makaalis kailan pa man ng mga
kasalanan:
Hebreo 10:10-11
At samantalang sila’y
nagsisikain, ay dumampot si
Jesus ng tinapay, at pinagpala,
at pinagputolputol; at ibinigay sa
mga alagad, at sinabi, Kunin
ninyo, kanin ninyo; ito ang aking
katawan.
At dumampot siya ng isang
saro, at nagpasalamat, at
ibinigay sa kanila, na nagsasabi,
Magsiinom kayong lahat diyan;
Sapagka’t ito ang aking dugo
ng tipan, na nabubuhos dahil sa
marami, sa ikapagpapatawad
ng mga kasalanan.
Mateo 26:26-28
Datapuwa’t siya, sapagka’t
namamalagi magpakailan man
ay may pagkasaserdote siyang
di mapapalitan.
Dahil dito naman siya’y
nakapagliligtas na lubos sa mga
nagsisilapit sa Dios sa
pamamagitan niya, palibhasa’y
laging nabubuhay siya upang
mamagitan sa kanila.
Hebreo 7:24-25
Si Jesucristo ay siya ring
kahapon at ngayon, oo at
magpakailan man.
Hebreo 13:8
Aking kinilala ang aking
kasalanan sa iyo, At ang aking
kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, Aking ipahahayag
ang aking pagsalangsang sa
Panginoon; At iyong ipinatawad
ang kasamaan ng aking
kasalanan.
Awit 32:5
Kung ipinahahayag natin ang
ating mga kasalanan, ay tapat
at banal siya na tayo’y
patatawarin sa ating mga
kasalanan, at tayo’y lilinisin sa
lahat ng kalikuan.
I Juan 1:9