111-135 Flashcards

1
Q

Nguni’t ang sangkalangitan
ngayon at ang lupa, sa
pamamagitan ng gayon ding
salita ay iningatang talaga sa
apoy, na itinataan sa araw ng
paghuhukom at ng paglipol sa
mga taong masama.
Datapuwa’t darating ang
araw ng Panginoon na gaya ng
magnanakaw; na ang
sangkalangitan sa araw na iyan
ay mapaparam na kasabay ng
malaking ugong, at ang mga
bagay sa langit ay
mapupugnaw sa matinding init,
at ang lupa at ang mga gawang
nasa lupa ay pawang
masusunog.

A

II Pedro 3:7 at 10

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Sapagka’t nalalaman ng mga
buhay, na sila’y
mangamamatay: nguni’t hindi
nalalaman ng patay ang
anomang bagay ni mayroon pa
man silang kagantihan;
sapagka’t ang alaala sa kanila
ay nakalimutan.
Maging ang kanilang pagibig,
gaya ng kanilang pagtatanim at
ng kanilang pananaghili ay
nawala ngayon; na wala man
silang anomang bahagi pa na
magpakailan man sa anomang
bagay na nagawa sa ilalim ng
araw.

A

Eclesiastes 9:5-6

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ang hininga niya ay
pumapanaw, siya’y
nanunumbalik sa kaniyang
pagkalupa; Sa araw ding yaon
ay mawawala ang kaniyang
pagiisip.

A

Awit 146:4

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Datapuwa’t pagparito ng
Anak ng tao na nasa kaniyang
kaluwalhatian, na kasama niya
ang lahat ng mga anghel, kung
magkagayo’y luluklok siya sa
luklukan ng kaniyang
kaluwalhatian:
At titipunin sa harap niya ang
lahat ng mga bansa: at sila’y
pagbubukdinbukdin niya na
gaya ng pagbubukodbukod ng
pastor sa mga tupa at sa mga
kambing;
At ilalagay niya ang mga
tupa sa kaniyang kanan,
datapuwa’t sa kaliwa ang mga
kambing.
Kung magkagayo’y sasabihin
ng Hari sa nangasa kaniyang
kanan, Magsiparito kayo, mga
pinagpala ng aking Ama,
manahin ninyo ang kahariang
nakahanda sa inyo buhat nang
itatag ang sanglibutan:
Kung magkagayo’y sasabihin
naman niya sa mga nasa
kaliwa, Magsilayo kayo sa akin,
kayong mga sinumpa, at pasa
apoy na walang hanggan na
inihanda sa diablo at sa
kaniyang mga anghel:

A

Mateo 25:31-34 at 41

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

At mayroon akong ibang mga
tupa, na hindi sa kulungang ito:
sila’y kailangan din namang
dalhin ko, at kanilang diringgin
ang aking tinig; at sila’y magiging
isang kawan, at magkakaroon
ng isang pastor.

A

Juan 10:16

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Na nangagpupuri sa Dios, at
nangagtatamo ng paglingap ng
buong bayan. At idinaragdag sa
kanila ng Panginoon araw-araw
yaong nangaliligtas.

A

Gawa 2:47

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Maging sa atin na kaniya
namang tinawag, hindi lamang
mula sa mga Judio, kundi naman
mula sa mga Gentil?

A

Roma 9:24

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Huwag kang matakot,
sapagka’t ako’y sumasaiyo:
aking dadalhin ang iyong lahi
mula sa silanganan, at pipisanin
kita mula sa kalunuran;
Aking sasabihin sa hilagaan,
Bayaan mo, at sa timugan,
Huwag mong pigilin; dalhin mo
rito ang aking mga anak na
lalake na mula sa malayo, at ang
aking mga anak na babae na
mula sa wakas ng lupa;

A

Isaias 43:5-6

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Sa gayo’y katatakutan nila
ang pangalan ng Panginoon
mula sa kalunuran, at ang
kaniyang kaluwalhatian ay mula
sa sikatan ng araw sapagka’t
siya’y darating na parang bugso
ng tubig na pinayaon ng hinga
ng Panginoon.

A

Isaias 59:19

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

At samantalang siya’y nakaupo
sa bundok ng mga Olivo, ay
nagsilapit sa kaniya ng bukod ang
mga alagad, na nagsisipagsabi,
Sabihin mo sa amin, kailan
mangyayari ang mga bagay na
ito? at ano ang magiging tanda
ng iyong pagparito, at ng
katapusan ng sanglibutan?
Gayon din naman kayo, pagka
nangakita ninyo ang lahat ng mga
bagay na ito, ay talastasin ninyo
na siya’y malapit na, nasa mga
pintuan nga.

A

Mateo 24:3 at 33

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ang nakikinig sa inyo, ay sa
akin nakikinig; at ang
nagtatakuwil sa inyo ay ako ang
itinatakuwil: at ang nagtatakuwil
sa akin ay itinatakuwil ang sa
aki’y nagsugo.

A

Lucas 10:16

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Katotohanan, katotohanang
sinasabi ko sa inyo, Ang
tumatanggap sa sinoman
sinusugo ko ay ako ang
tinatanggap; at ang
tumatanggap sa akin ay
tinatanggap ang nagsugo sa
akin.

A

Juan 13:20

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Kaya’t ang bawa’t dumirinig
ng aking mga salitang ito at
ginaganap, ay matutulad sa
isang taong matalino, na itinayo
ang kaniyang bahay sa ibabaw
ng bato: At lumagpak ang
ulan, at bumaha, at humihip ang
mga hangin, at hinampas ang
bahay na yaon; at hindi
nabagsak: sapagka’t natatayo
sa ibabaw ng bato.

A

Mateo 7:24-25

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Talastasin ninyong lahat, at ng
buong bayan ng Israel, na sa
pangalan ni Jesucristong taga
Nazaret, na inyong ipinako sa
krus, na binuhay ng Dios na
maguli sa mga patay, dahil sa
kaniya ay nakatindig ang taong
ito sa inyong harap na walang
sakit.
Siya ang bato na itinakuwil,
ninyong mga nagtayo ng bahay,
na naging pangulo sa panulok.

A

Gawa 4:10-11

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

At sinasabi ko naman sa iyo,
na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw
ng batong ito ay itatayo ko ang
aking iglesia; at ang mga
pintuan ng Hades ay hindi
magsisipanaig laban sa kaniya.

A

Mateo 16:18

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ang Espiritu rin ang
nagpapatotoo kasama ng ating
espiritu, na tayo’y mga anak ng
Dios:
At kung mga anak, ay mga
tagapagmana nga; mga
tagapagmana sa Dios, at mga
kasamang tagapagmana ni
Cristo; kung gayon nga
makipagtiis tayo sa kaniya,
upang tayo’y lumuwalhati
namang kasama niya.

A

Roma 8:16-17

17
Q

Ikaw na aking hinawakan mula
sa mga wakas ng lupa, at
tinawag kita mula sa mga sulok
niyaon, at pinagsabihan kita,
Ikaw ay aking lingkod, aking pinili
ka at hindi kita itinakuwil;
Huwag kang matakot,
sapagka’t ako’y sumasaiyo;
huwag kang manglupaypay,
sapagka’t ako’y iyong Dios; aking
palalakasin ka; oo, aking
tutulungan ka; oo, aking
aalalayan ka ng kanang kamay
ng aking katuwiran.

A

Isaias 41:9-10

18
Q

Sapagka’t hindi ko ikinahihiya
ang evangelio: sapagka’t siyang
kapangyarihan ng Dios sa
ikaliligtas ng bawa’t
sumasampalataya; una’y sa
Judio, at gayon din sa Griego.
Sapagka’t dito ang katuwiran
ng Dios ay nahahayag mula sa
pananampalataya hanggang
sa pananampalataya: gaya ng
nasusulat, Nguni’t ang ganap ay
mabubuhay sa pamamagitan
ng pananampalataya.

A

Roma 1:16-17

19
Q

Huwag kang matakot, ikaw na
uod na Jacob, at kayong mga
tao ng Israel; aking tutulungan
ka; sabi ng Panginoon, at ang
iyong Manunubos ay ang Banal
ng Israel.

A

Isaias 41:14

20
Q

At ang iba’y inyong iligtas, na
agawin ninyo sa apoy; at ang
iba’y inyong kahabagan na may
takot; na inyong kapootan pati
ng damit na nadungisan ng
laman.

A

Tadeo 1:23

21
Q

Sapagka’t sila’y nanghimagsik
laban sa mga salita ng Dios, At
hinamak ang payo ng
Kataastaasan:

A

Awit 107:11

22
Q

Walang taong makalalapit sa
akin, maliban nang ang Amang
nagsugo sa akin ang sa kaniya’y
magdala sa akin; at siya’y aking
ibabangon sa huling araw.

A

Juan 6:44

23
Q

Paano nga silang
magsisitawag doon sa hindi nila
sinampalatayanan? at paano
silang magsisisampalataya sa
kaniya na hindi nila
napakinggan? at paano silang
mangakikinig na walang
tagapangaral?
At paano silang
magsisipangaral kung hindi sila
mga sinugo? gaya nga ng
nasusulat, Anong pagkaganda
ng mga paa niyaong mga
nagdadala ng masasayang
balita ng mga bagay na mabuti!

A

Roma 10:14-15

24
Q

At ngayon sa kaniya na
makapangyarihan na sa inyo’y
makapagpapatibay ayon sa
aking evangelio at sa
pangangaral ni Jesucristo, ayon
sa pahayag ng hiwaga na
natago sa katahimikan nang
panahong walang hanggan.

A

Roma 16:25

25
Q

Na laging nagsisipagaral, at
kailan pa man ay hindi
nakararating sa pagkaalam ng
katotohanan.

A

II Timoteo 3:7