141-160 Flashcards

1
Q

Yaong aming nakita at narinig
ay siya rin naming ibinabalita sa
inyo, upang kayo naman ay
magkaroon ng pakikisama sa
amin: oo, at tayo ay may
pakikisama sa Ama, at sa
kaniyang Anak na si Jesucristo:

A

I Juan 1:3

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Kung kayo’y kinapopootan ng
sanglibutan, ay inyong talastas
na ako muna ang kinapootan
bago kayo.
Kung kayo’y taga sanglibutan,
ay iibigin ng sanglibutan ang
kaniyang sarili: ngunit sapagka’t
kayo’y hindi taga sanglibutan,
kundi kayo’y hinirang ko sa
sanglibutan, kaya napopoot sa
inyo ang sanglibutan.
Alalahanin ninyo ang salitang
sa inyo’y aking sinabi, Ang alipin
ay hindi dakila kay sa kaniyang
panginoon. Kung ako’y kanilang
pinagusig, kayo man ay kanilang
paguusigin din; kung tinupad nila
ang aking salita, ang inyo man
ay tutuparin din.
Datapuwa’t ang lahat ng mga
bagay na ito ay gagawin nila sa
inyo dahil sa aking pangalan,
sapagka’t hindi nila nakikilala
ang sa akin ay nagsugo.

A

Juan 15:18-21

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Mapapalad ang mga
pinaguusig dahil sa katuwiran:
sapagka’t kanila ang kaharian
ng langit.
Mapapalad kayo pagka
kayo’y inaalimura, at kayo’y
pinaguusig, at kayo’y
pinagwiwikaan ng sarisaring
masama na pawang
kasinungalingan, dahil sa akin.
Mangagalak kayo, at
mangagsayang totoo:
sapagka’t malaki ang ganti sa
inyo sa langit: sapagka’t gayon
din ang kanilang pagkausig sa
mga propeta na nangauna sa
inyo.

A

Mateo 5:10-12

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

At ang magiging kaaway ng
tao ay ang kaniya ring sariling
kasangbahay.

Ang umiibig sa ama o sa ina ng
higit kay sa akin ay hindi
karapatdapat sa akin; at ang
umiibig sa anak na lalake o anak
na babae ng higit kay sa akin ay
hindi karapatdapat sa akin.

A

Mateo 10:36 a.Mateo 10:37

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Kung kayo’y mapintasan dahil
sa pangalan ni Cristo, ay
mapapalad kayo; sapagka’t ang
Espiritu ng kaluwalhatian at ang
Espiritu ng Dios ay
nagpapahingalay sa inyo.
Nguni’t huwag magbata ang
sinoman sa inyo na gaya ng
mamamatay - tao, o
magnanakaw, o manggagawa
ng masama, o gaya ng
mapakialam sa mga bagay ng
iba:
Nguni’t kung ang isang tao ay
magbata na gaya ng Cristiano,
ay huwag mahiya; kundi
luwalhatiin ang Dios sa
pangalang ito.

A

I Pedro 4:14-16

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Sapagka’t ang sinomang
magmakahiya sa akin at sa aking
mga salita sa lahing ito na
mapangalunya at makasalanan,
ay ikahihiya rin naman siya ng
Anak ng tao, pagparito niyang
nasa kaluwalhatian ng kaniyang
Ama na ikasama ng mga banal
na anghel.

A

Marcos 8:38

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

At sila’y nagsisangayon sa
kaniya: at pagkatawag nila sa
mga apostol, ay pinalo nila at
ibinala sa kanila na huwag silang
mangagsalita sa pangalan ni
Jesus, at sila’y pinawalan.
Sila nga’y nagsialis sa harapan
ng Sanedrin, na nangatutuwang
sila’y nangabilang na
karapatdapat na mangagbata
ng kaalimurahan dahil sa
Pangalan.
At sa araw-araw, sa templo at
sa mga bahay-bahay, ay hindi
sila nagsisipagtigil ng pagtuturo
at pangangaral, na si Jesus ang
siyang Cristo.

A

Gawa 5:40-42

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ang lahat ng pangulo ng
kaharian, ang mga kinatawan at
mga satrapa, ang mga
kasangguni at ang mga
gobernador, ay
nangagsanggunian upang
magtatag ng isang
palatuntunang hari sa kaharian,
at upang maglagda ng isang
pasiyang mahigpit, na sinomang
humingi ng isang kahilingan sa
kanino mang dios o tao sa loob
ng tatlong pung araw, liban sa
iyo, Oh hari, ihahagis sa yungib
ng mga leon.
Ngayon, Oh hari, papagtibayin
mo ang pasiya, at lagdaan mo
ng iyong pangalan ang
kasulatan upang huwag
mabago ayon sa kautusan ng
mga taga Media at mga taga
Persia, na hindi nababago.
Kaya’t ang kasulatan at ang
pasiya ay nilagdaan ng
pangalan ng haring Dario.

A

Daniel 6:7-10

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

At sinabi ni Pedro, Narito,
iniwan namin ang aming sarili, at
nagsisunod sa iyo.
At sinabi niya sa kanila,
Katotohanang sinasabi ko sa
inyo, Walang taong nagiwan ng
bahay, o asawang babae, o
mga kapatid, o mga magulang
o mga anak, dahil sa kaharian ng
Dios,
Na di tatanggap ng
makapupung higit sa panahong
ito, at sa sanglibutang darating,
ng walang hanggang buhay.

A

Lucas 18:28-30

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ano pa’t kami sa aming sarili ay
nangagkakapuri sa inyo sa mga
iglesia ng Dios dahil sa inyong
pagtitiis at pananampalataya sa
lahat ng mga paguusig sa inyo at
sa mga kapighatiang inyong
tinitiis;
Na isang tandang hayag ng
matuwid na paghukom ng Dios;
upang kayo’y ariing
karapatdapat sa kaharian ng
Dios, na dahil dito’y
nangagbabata rin naman kayo:

A

II Tesalonica 1:4-5

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

At sumagot ang isa sa
matatanda na, nagsasabi sa
akin, Ang mga ito na
nangadaramtan ng mapuputing
damit, ay sino-sino at saan
nagsipanggaling?
At sinabi ko sa kaniya,
Panginoon ko, Ikaw ang
nakakaalam. At sinabi niya sa
akin, Ang mga ito’y ang
nanggaling sa malaking
kapighatian, at nangaghugas ng
kanilang mga damit, at pinaputi
sa dugo ng Cordero.
Kaya’t sila’y nasa harapan ng
luklukan ng Dios; at
nangaglilingkod sa kaniya araw
at gabi sa kaniyang templo: at
siyang nakaupo sa luklukan, ay
lulukuban sila ng kaniyang
tabernakulo.
Sila’y hindi na magugutom pa,
ni mauuhaw pa man; ni hindi na
sila tatamaan ng araw, o ng
anomang init:
Sapagka’t ang Cordero na
nasa gitna ng luklukan ay siyang
magiging pastor nila, at sila’y
papatnugutan sa mga bukal ng
tubig ng buhay: at papahirin ng
Dios ang bawa’t luha ng kanilang
mga mata.

A

Apocalipsis 7:13-17

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Sa pamamagitan din naman
niya’y nangagkaroon tayo ng
ating pagpasok sa
pamamagitan ng
pananampalataya sa biyayang
ito na diyan ay nagsisilagi tayo;
at nangagagalak tayo sa
pagasa ng kaluwalhatian ng
Dios.

A

Roma 5:2

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

At kung walang
pananampalataya ay hindi
maaaring maging kalugodlugod
sa kaniya; sapagka’t ang
lumalapit sa Dios ay dapat
sumampalatayang may Dios, at
siya ang tagapagbigay ganti sa
mga sa kaniya’y nagsisihanap.

A

Hebreo 11:6

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Ang sumasampalataya sa
kaniya ay hindi hinahatulan; ang
hindi sumasampalataya ay
hinatulan na, sapagka’t hindi siya
sumasampalataya sa pangalan
ng bugtong na Anak ng Dios.

A

Juan 3:18

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Nguni’t sa mga duwag, at sa
mga hindi mananampalataya,
at sa mga kasuklamsuklam, at sa
mga mamamatay-tao, at sa
mga mapakiapid, at sa mga
manggagaway, at sa mga
mapagsamba sa diosdiosan, at
sa lahat na mga sinungaling, ang
kanilang bahagi ay sa
dagatdagatang nagniningas sa
apoy at asupre; na siyang
ikalawang kamatayan.

A

Apocalipsis 21:8

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

At nang siya’y kanilang
masumpungan sa kabilang
ibayo ng dagat, ay kanilang
sinabi sa kanila, Rabi, kailan ka
dumating dito?
26Sinagot sila ni Jesus at sinabi,
Katotohanan, katotohanang
sinasabi ko sa inyo, Ako’y inyong
hinahanap, hindi sa inyong
nangakitang mga tanda, kundi
dahil sa kayo’y nagsikain ng
tinapay, at kayo’y nangabusog.

A

Juan 6:25-26

17
Q

Magsigawa kayo hindi dahil sa
pagkain napapanis, kundi dahil
sa pagkaing tumatagal sa buhay
na walang hanggan, na ibibigay
sa inyo ng Anak ng tao:
sapagka’t siyang tinatakan ng
Ama, sa makatuwid baga’y ang
Dios.
Sinabi nga nila sa kaniya, Ano
ang kinakailangan naming
gawin, upang aming magawa
ang mga gawa ng Dios?
Sumagot si Jesus sa kanila’y
sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na
inyong sampalatayanan yaong
kaniyang sinugo.

A

Juan 6:27-29