4TH QTR Flashcards
Ano ang Pabula?
Ito ay isang uri ng piksyunal na panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop, halaman, bagay o mga puwersa ng kalikasan. Dahil sa mga magagandang-aral sa buhay, lumaganap ang mga pabula.
Ito ay isang uri ng kathang-isip na panitikan. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Pabula
Saan nagmula ang salitang “Pabula”
Nagmula sa salitang Griyego “Muzos” na ibig sabihin ay mito o myth
Sino si Aesop?
Ama ng sinaunang pabula at nakalikha ng mahigit 200 na pabula
Sino si Marie de France?
Isinalin niya ang mga gawa ni Aesop mula sa Ingles patungo sa wikang Anglo-Norman French (12th Century)
Sino si Jean de la Fontaine?
Pinakatanyang na pabulistang Pranses
Ano ang ibang halimbawa ng Pabula?
Ang Pagong at ANg Matsing (Dr. Jose Rizal)
Ang bata at ang lobo
Ang agila at ang kalapati
ang kuneho at ang pagong
Sino ang mga iba kilalang pabulista?
Babrias, Phaedrus, Romulos, Hesied, Socrates, Odon, Ambrose Bierce, and Dr. Jose Rizal
pinakamatandang anyo ng panitikan
Tanka
Ang karaniwang tema nito ay pag-ibig, araw-araw na pamumuhay, isyung panlipunan tulad ng kahalagahan ng pagkakaisa at pagbabago
Tanka
Ang _____ ay binubuo ng limang taludtod at may kabuuang 31 pantig (5 - 7 - 5 - 7 -7)
Tanka
Ito ay binubuo lamang ng tatlong maikling taludtod at may kabuuang 17 pantig (5 - 7 - 5).
Haiku
Nagtataglay ito ng malalim na mensahe tungkol sa nararanasan o nararamdaman ng may-akda.
Haiku
Ang pinakasikat at nakaimpluwensya na manunulat ng haiku ay si _____.
Matsuo Basho
Ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto.
Segmental
Ano ang Suprasegmental?
Ito ay ang pag-aaral ng diin (stress), pagtaas-pagbaba ng tinig (tune or pitch), paghaba (lengthening) at hinto (juncture).
Ano ang Ponemang Suprasegmental
Ito ay ang makabuluhang tunog. Malinaw na ipahayag ang damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
Ito ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang pagbabago ng _____ ay nakapagpabago ng kahulugan nito.
Diin
Magbigay ng halimbawa ng Diin
Baga(burning coal) - bagà(lungs)
Bala(Bullet) - Balà(Warning)
Basa(read) - Basà(Wet)
Tayo(Us) - Tayô(Stand)
Talà(Star) - Talâ(Note)
Ano ang Tono/Intonasyon?
Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin
Ano ang Antala/Hinto?
Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Ayon kay __________, ay ang “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.”
Alejandro G. Abadilla
Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita, ang _____ at _____.
sanay at pagsasalaysay
Ano ang Sanaysay?
Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.