10th Grade, 2nd Quarter: All Lessons Flashcards
Kailan at saan sinimulan sulatin ni Dr. Jose P Riza ang “Noli Me Tangere”?
Noong 1884 sa Madrid
Saan at kailan natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela?
Pebrero 21, 1887
Ilang buwan lamang ay sinimulan niya ang lalamanin ng El Filibusterismo noong _____ habang nag-eensayo ng medisina sa _____.
Oktubre ng 1887 sa Calamba
kailan inumpisahan isulat ni Rizal ang kanyang pangalawang nobela na El Filibusterismo sa ______.
1890 sa London, United Kingdom
Kailan natapos ni Rizal ang kaniyang nobela?
Marso 29, 1891
Nakahanap si Dr. Jose Rizal ng palimbagan sa?
Ghent Belgium
Ipinadala ang manuskrito sa kaniyang kaibigan na si?
Jose Alejandrino
Pagsapit ng Agosto 6, 1891 ano ang nangyari?
Ipinatigil ni Rizal ang pagpapalimbag dahil sa kakulangan sa salapi at naisip na sunugin na lamang ang manuskrito.
Ipinagpatuloy muli ang paglilimbag sa _____ at naging hulugan ang pagbabayad.
F. Meyer Van Loo Press
Dahil hindi pa rin naging sapat ang salapi kung kaya’t binawasan ang mga kabanata ng nobela mulang 44 na kabanata ay naging?
38 na lamang
Dumating ang tulong mula kay _____
Valentin Ventura
Dahil sa tulong ni Valentin Ventura, itinuloy ang pagpapalimbag ng nobela noong _____.
Setyembre 1891
Ano pa nangyari sa Taong 1891?
Taong 1891 pa rin ang ipinadala ni Rizal ang kopya ng El Filibusterismo sa Hongkong ngunit ito ay nasamsam ng mga kastila.
Sa Pilipinas, ano naman ang nangyari sa mga kopya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
Ipinuslit at nasamsam din ng pamahalaang Kastila ang mga kopya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Pagsapit ng 1896, Disyembre 30, ano ang nangyari?
Hinatulan ng parusang kamatayan si Dr. Jose Rizal bunga ng rebolusyon na naging bunga rin ng kaniyang dalawang nobela.
Ano ang pagkakaiba ng Nolie Me Tangere sa El Filibusterismo?
- Nailambag sa Alemanya
- Maximo Viola
- Nobelang Panlipunan
- Alay sa Inang Bayan
Sino si Maximo Viola?
Ang kaibigang nagpahiram ng pera kay Rizal upang mapalimbag ang Noli Me Tangere
Ano ang Ingles ng El Filibusterismo?
The Reign of Greed
Bakit ang Noli Me Tangere ay tinatawag Nobelang Panlipunan?
Dahil ito ay tumatalakay sa pamumuhay, pag-uugali at mga sakit ng mga mamamayan noon.
Ano ang pagkakaiba ng El Filibusterismo sa Noli Me Tangere?
- Nailambag sa Gante, Belhika
- Valentin Ventura
- Nobelang Pampulitika
- Alay sa Gomburza