3RD QTR: Istruktura ng Pamilihan Flashcards
Isang kalagayan kung saan may interaksyon ang mga mamimili at nagtitinda.
Pamilihan
Ang mga nagtitinda ay nagpapaligsahan upang mahikayat ang mga mamimili na bumili sa kanila.
Pamilihan
Walang sinumang nagtitinda at mamimili ang maaring magkontrol sa presyo ng kalakal.
Ganap na kompetisyon
Ang mga ipinagbibiling produkto ay walang pagkakaiba (homogenous products).
Ganap na Kompetisyon
Madaling pumasok sa pamilihan ang mga nais magsimula ng negosyo
Halimbawa : Palengke
Ganap na Kompetisyon
Di-Ganap na Kompetisyon
Anumang kondisyon na hindi kakakitaan ng mga katangian ng ganap na kompetisyon.
Ano ang iba’t ibang uri ng Di-ganap na Kompetision
Monopoly, Monopolistic Competition, Oligopoly, Monopsony
Isa lang ang nagtitinda sa pamilihan. Ito ang nagtatakda ng presyo at walang magagawa ang mga mamimili.
Halimbawa : Manila Water, Meralco
Monopoly
Marami ang nagtitinda ngunit isa o isang grupo lamang ang mamimili. Ang presyo ng kalakal ay nasa kontrol ng bumibili
Halimbawa : Pulis, Sundlo, Weapons (Bidding)
Monopsony
Iilan ang nagtitinda ngunit walang kompetisyon. Ang presyo ng kalakal ay walang pagkakaiba.
Halimbawa : Oil Companies, Airport, Bank
Oligopoly (Cartel)
Marami ang nagtitinda ng produkto na magkakatulad ngunit differentiated kung tawagin. Mahalaga sa pamilihang ito ang lokasyon, kalidad at tatak ng produkto.
Halimbawa : Toothpaste, Restaurants, Hair Salons, Household Items, Clothing.
Monopolistic Competition