10th Grade, 2nd Quarter: Kawalan ng trabaho Flashcards
Ano ang Brain Drain?
Ito ay ang pag alis o pangingibang bansa ng mga manggagawang propesyonal upang magtrabaho sa ibang bansa.
Ito ay ang pag alis o pangingibang bansa ng mga manggagawang may kasanayan (skilled) upang magtrabaho sa ibang bansa.
Brawn Drain
Sino-sino nga ba ang maituturing na kabilang sa lakas-paggawa o labor force?
Mga taong may edad 15 pataas
Ito ay binubuo ng mga miyembro ng populasyon na may edad labing-lima pataas na maaaring nagtatrabaho o kaya ay hindi nagtatrabaho ngunit naghahanap ng trabaho.
Lakas-paggawa o Labor force
Paano nagaganap ang Unemployment o kawalan ng trabaho?
Ang isang nasa wastong edad at may kakayahang magtrabaho ay walang mahanap na trabaho.
Sino ang mga hindi kasama sa pagbilang ng unemployment rate?
- Mga kabataan na edad 14 pababa
- Militar
- Mga nasa institusyon
- Discouraged workers
- Mga ayaw na magtrabaho
Ito ay nagmula sa ideya ni John Maynard Keynes
Keynesian Economics
Ano ang sinasabi ng Keynesian Economics?
Natural lamang ang pagkakaroon ng unemployment sa isang bansa dahil sa di pagkakatugma sa kakayahan ng manggagawa at pangangailangan sa trabaho.
Siya ay kilala bilang isa sa mga tagapagtatag ng Neoclassical Economics.
Alfred Marshall
Ano ang Neoclassical Economics?
Naniniwala na nagkakaroon ng unemployment dahil sa ibat-ibang batas gaya ng tungkol sa pasahod at pagtatayo ng union na nakakagulo sa demand at supply ng manggagawa sa ekonomiya.
Ano ang mga teorya na nag pagpapaliwanag sa ganitong kalagayanng unemployment ng isang bansa o ekonomiya?
- Neoclassical Economics
- Keynesian Economics
Ano ang mga uri ng unemployment?
Frictional Unemployment
Cyclical Unemployment
Seasonal Unemployment
Structural Unemployment
Ano ang Seasonal Unemployment?
Ito ay nahahawig sa structural unemployment na kung saan ang kanilang kakayahan ay kailangan lamang sa limitadong panahon o espesyal na okasyon.
Ito ay nangyayari kapag may mismatch o hindi pagkakatugma sa kakayahan, karanasan, o mga kwalipikasyon, at lugar na tinitirahan o pinanggagalingan.
Structural Unemployment
Ano ang Cyclical Unemployment?
Ito tumutukoy sa kawalan ng trabaho dahil sa pangkaraniwang pinagdaraanan ng mga negosyo.
Ano ang mga epekto ng kawalan ng trabaho?
- Dagdag na gastos sa pamahalaan
- Kulang ang salapi o pera na pinaiikot sa ating ekonomiya kaya magreresulta sa recession
- Pagtaas ng bilang ng krimen isang bansa
- Magkakaroon ng tension sa pamilya
- Pagbaba ng tiwala sa sarili
- Pagbaba ng tiwala ng tao sa pamahalaan
- Pagbaba ng kalidad ng kabuhayan
Ano ang mga solusyon sa suliranin ng unemployment?
- Tulungan ang maliliit na negosyo upang hindi magsara
- Kailangang pumili ng tama o angkop na teknolohiya ang mga negosyante upang mapabilis ang produksyon.
- Pigilan ang tinatawag na migrasyong rural-urban upang hindi magsiksikan ang trabaho sa urban city.
- Pagkakaroon ng angkop na edukasyon sa mapapasukang trabaho
- Maghikayat ng investors sa ating bansa upang magtayo ng negosyo sa ating bansa.
Unemployment Rate Formula
U = Unemployed People/Labor Force x 100