10th Grade, 1st Quarter: Lesson 3, Pagbabago ng Klima Flashcards
Ito ay isang estado ng pagpapalit ng mga salik ng ating panahon at klima tulad ng temperatura, ulan at hangin na nagiging sanhi ng ilang pagbabago ng kondisyon ng atmospera, ayon sa mga siyentipiko.
Climate Change o Pagbabago ng Klima
Ano ang Solar Variability?
Pagbabago sa init na pinakakawalan ng araw na may direktang epekto sa pagbabago ng klima.
Ito ay patuloy na pag-init ng mundo dala ng tumataas na kosentrasyon ng greenhouse gases sa ating atmospera.
Global Warming
Ano ang Greenhouse Gases?
Ito ang mga gas na nasa atmospera na siyang humihigop at siya ring naglalabas ng radiation galing sa araw
Ano ang mga Greenhouse gases?
- Carbon Dioxide
- Methane
- Nitrous Oxide
- CFC’s o Chlorofluocarbons
- Fossil Fuels
Ano ang epekto ng Climate Change sa ating lipunan?
- Pagkasira ng kalupaan
- Suliranin sa suplay ng pagkain at paglaganap ng kagutuman
- Kakulangan sa tubig at pagbaba ng kalidad ng tubig
- Pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit at karamdaman
- Pangkalahatang pagbagsak ng antas ng kalusugan ng tao maging ng mga hayop
Ano ang epekto ng Climate Change sa ating Ekonomiya?
- Pagkatuyo ng mga lupa na nagiging sanhi ng kakulangan sa palay
- Malakas na bagyo
- Pagkalat ng epidemya sa mga pananim, hayop at lamang dagat
- Pagkasira ng imprastraktura at pasilidad
- Pagbaba ng supply ng mga raw materials para sa mga industriyang gumagawa ng produkto
Nahaharap din ang mga tao sa sumusunod na usapin:
- Malakihan o ganap na pagbabago sa klima o panahon sa mga lugar sa daigdig (global climate change)
- Di makalkula o paiba-ibang klima at panahon (global climate variation)
- Matitinding pangyayaring may kinalaman sa weather patterns sa iba’t ibang panig ng daigdig
- Pagkasira ng ozone layer
- Global Ocean Acidification
Ano ang mga Suliraning Pangkapaligiran
- Polusyon
- Unti-unting pagkaubos ng mga likas na yaman
- Unti-unting pagkawala ng biodiversity
Inilarawan nito ang mga nahahawakan na sumisira ng direkta sa mga pinagmulan ng likas na yaman tulad ng mga anyong lupa at tubig
POINT POLLUTION
Ano ang FUND POLLUTION?
Polusyon na dulot ng mga bagay na posibleng tunawin at mabago sa mahabang panahon
Polusyon na dulot ng kemikal na hindi kayang tunawin at magbago sa mahabang panahon
STOCK POLLUTION
Ano ang NON-STOCK POLLUTION?
Ito ay polusyon na mahirap kontrolin dahil sa kawalan ng sapat na paraan para kontrolin ang problema dahil sa karaniwang nararanasan.
Ano ang mga nagpapalala sa mga problemang pangkapaligiran
- Maling paraan sa pagtatapon ng basura
- Pagtuloy ng pagputol ng (deforestation)
- Ilegal at labis-labis na pagmimina, quarrying, at paggamit ng lupa
- Maling paraan ng pagsasaka, pangingisda, at paghahayupan
- Malawakang paggamit ng teknolohiya
- Paggamit ng kemikal na nakakasira sa ating atmospera
Siya ay kilalang “environmental activist”
at humingi ng aksyon sa mga lider ng parlyamento sa Sweden upang bigyang tuon ang global warming upang maiwasan ang climate change .
Greta Thunberg