1st Quarter: Filipino 9 Flashcards
→ Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
→ Nagiiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
Maikling Kwento
Ano ang anim na bahagi ng maikling kwento:
- Panimula
- Saglit na kasiglahan
- Tunggalian
- Ang Kasukdulan
- Kakalasan
- Wakas
Bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalaga maging, kawilihan Kkapangini-pansin ito upang mabihag ang ng bumabasa.
Panimula
Bahaging naglalarawan ng siula patungo sa paglalahad ng unang suliranin hinahanap ng lunas.
Saglit na kasiglahan
Ano ang apat na uri ng Tunggalian
Tao laban sa laban tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinaka masidhing kawilihan.
Ang Kasukdulan
Panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay dapat pahabain at bigyan ng paliwanag.
Kakalasan
Katapusan o kahihinatnan ng kwento.
Wakas
Kahulugan ay iba sa pangkaraniwang kahulugan.
Pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita
Konotasyon
Kahulugan ng salita ay matatagpuan sa diksyonaryo
Literal o totoong kahulugan sa salita
Denotasyon
isang mahabang kathang pampanitikan na karaniwang tumatalakay sa iba’t ibang tauhan, pangyayari, at lugar na pawang kathang-isip lamang. Sa pamamagitan ng mga salita at paglalarawan, ang may-akda ay naglalahad ng kuwento na nagsasalamin sa mga aral, damdamin, at karanasan ng mga tauhan.
Ito maaaring magmula sa iba’t ibang panitikan, tulad ng romantiko, pampolitika, sikolohikal, o maging pang-agham.
Nobela
Ano ang mga uri ng nobela?
Realismo
Romantisismo
Sikolohikal
Historikal
Siyensiya Piksyon
Ang nobela ay tumatalakay sa mga tunay na pangyayari at mga tauhan na nakabatay sa totoong buhay. Ito ay nagpapakita ng mga detalyadong paglalarawan ng lipunan at kultura.
Realismo
Ang nobela ay naglalaman ng mga elemento ng romantiko, kagila-gilalas, at kahiwagaan. Ang mga tauhan at tagpuan ay karaniwang hindi pangkaraniwan o di-makatotohanan.
Romantisismo
Ang nobela ay tumutuon sa paglalahad ng kaisipan, damdamin, at panloob na mundo ng mga tauhan.
Sikolohikal
Ang nobela ay batay sa mga tunay na pangyayari sa kasaysayan, ngunit karaniwang may imbento o likhang-isip na mga tauhan at tagpuan.
Historikal
Ang nobela ay may elemento na maka-aksyon at nakabatay sa siyensya o teknolohiya.
Siyensiya Piksyon
→ Isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, o pangungusap.
→ Pinagdudugtong nito ang mga salita na may kaugnayan.
→ Ginagamit ang mga pang-ugnay upang gawing mas maayos at malinaw ang pagsasalita o pagsusulat, at upang matulungan ang mambabasa o tagapakinig na maunawaan ang relasyon sa pagitan ng mga ideya o impormasyon.
Pang-Ugnay
Ano ang mga tatlong uri ng pang-ugnay
Pangatnig
Pang-angkop
Pang-ukol
conjunction sa Ingles, ay isang bahagi ng pananalita na ginagamit upang mag dugtong o mag-ugnay sa dalawang salita.
Pangatnig
Isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa panuring katulad ng pang-uri at ng pang-abay.
Pang-angkop