002: Kabanata 2 / Aralin 3-4 Flashcards
May-akda ng Walang Sugat
Severino Reyes
Uri ng dulang Walang Sugat
- melodrama / komedya
Mga pangunahing tauhan ng Walang Sugat:
- Julia
- Tenyong
- Miguel
- Putin (ina ni Tenyong)
- Kapian Inggo (ama ni Tenyong)
- Monica (alila ni Julia)
- Juana (ina ni Julia)
- Tadeo (ama ni Miguel)
- Lucas (utusan ni Tenyong)
Seremonya o sakramento ng kasal
Matrimonyo
Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtogl nahihinggil sa mga punong dumdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganit, kasakiman, kalupitan atbp; binubuo ng tatlong yugto
Sarsuwela
Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas
Komedya
Dulang ang tema’y mabigat o naksasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan; nagwawakas na malungkot
Trahedya
Dulang sadyang namimiga ng luha sa mga manonood; parang walang masayang bahagi sa buhay ng tauhan
Melodrama (Soap Opera)
Dulang magkahalo ang katatawanan at kasawian; nagiging malungkot sa huliy dahil nasasawi o namamatay ang bida / mga bida
Tragikomedya
Nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa
Saynete
Dulang puro tawanan lamang; ang mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan o maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan
Parsa
Mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang anyo ng komentaryo o pamumuna
Parodya
Dulang may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kuwento’y pinaiikot upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay
Proberbyo
Salitang nagpapahayag ng kilos, aksiyon, o gawa
Pandiwa
Salitang ugat + panlapi
Panlaping makadiwa
Katangian ng pandiwa; nagsasaad kung kailang nangyari, nangyayari, o mangyayari
Aspekto
Nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos
Perpektibo
Katatapos pa lang ng kilos o pandiwa
Aspektong Katatapos; uri ng aspektong perpektibo
Inumpisahang kilos; hindi pa tapos
Imperpektibo
Ang kilos ay hindi pa nauumpisahan, gagawin pa lamang
Kontemplatibo
Tumatalakay sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng isang tao; maikili, ang mga tauhan ay limitado sa 2-3 lamang; layunin na makapagbigay-aral sa mga mambabasa
Maikling Kwento
Pagkakasunod-sunod ng pangyayari; simula-wakas
Banghay
Kung sinong tauhan ang maglalahad ng ng pangyayari; una, ikalawa, panauhan
Paningin (Point of View)
Problemang kakaharapin ng pangunahing tauhan
Suliranin
Tema / tungkol saan ang kwento / aral na maaaring makuha mula sa kwento
Paksang-diwa
Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan;
- tao laban sa tao
- tao laban sa kalikasan
- tao laban sa sarili
- tao laban sa lipunan
Pagtutunggali / tunggalian
Pag-uusap sa pagitan ng mga tauhan
Salitaan (Dialogue)
Damdaming nakapaloob sa kwento
Himig
Highlight / pinakamataas na uri ng pananabik sa kwento
Kasukdulan
Unti-unting nabibigyang solusyon ang problema ng tauhan mula sa kasukdulan
Kakalasan
Pag-unlad ng pangyayari sa kwento
Galaw
Salitang naglalarawan o nagbibigay-turing
Pang-uri
Naglalarawan ng isa o payak na pangngalan / panghalip
Lantay
Pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip; may dalawang uri
Paghahambing
(uri ng paghahambing) Kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamit dito ang panlaping
- ka
- magka
- sing
- gaya
- tulad, atbp.
Magkatulad
Kung nagbibigay ito ng diwa ng pangkakait, pagtanggi, o pagsalungat
Di-magkatulad
(uri ng di-magkatulad) Positibong katangian; gumagamit ng salitang
- lalo
- higit
- di-hamak
- mas, atbp
Panlamang
Negatibong katangian; gumagamit ng salitang
- di-gaano
- di-gasino
- di masyado
Pasahol
Pinakadulong digri ang kaantasan nito; gumagamit ng salitang
- sobra
- ubod
- tunay
- talaga
- saksakan
- hari ng ___, atbp
Pasukdol