002: Kabanata 2 / Aralin 1 - 2 Flashcards
Tawag sa isang lalaking kalabaw
Kalakian
Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at inpinahayag sa pananalitang may angking aliw-iw
Tula
Bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong; karaniwang gamitin ang labindalawa, labing-anim, at ang labingwalong pantig
Sukat
Saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkas sa kalagitnaan ng bawat taludtod
Sesura
Pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula; pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod
Tugma
(uri ng tugma) Magkakapareho ang tunog o titik ng huling salita sa bawat taludtod
Tugmang Ganap
(uri ng tugma) Magkapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod
Tugmang Di-Ganap
Sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita
Talinghaga
Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng, atbp.
Pagtutulad (Simile)
Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, atbp.
Pagwawangis (Metaphor)
Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagyan ng tao, bagay o pangyayari
Pagmamalabis (Hyperbole)
Pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay
Pagbibigay-katauhan (Personification)
Pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy at kabuoan
Pagpapalit-saklaw (Synechdoche)
Pakikipag-usap sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan
Pagtawag (Apostrophe)
Pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri
Pag-uyam (Irony)