Yunit 4 Flashcards
Sinasabing ang kapangyarihan na ipatupad ang tungkulin ay _________ kung ang isang namumuno ay walang ibang nararapat na gawin kundi ipatupad ang isang polisiya
Ministeryal
Ang ________ na paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy sa paggamit ng opsyon ng isang namumuno o kawani ng pamahalaan na ipatupad o hindi ipatupad ang isang tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na pamantayan.
Diskresyunal
Mahalaga ang ________ sa pagtupad ng tungkulin ng isang tao upang siguraduhin na anumang diskresyon na kanyang nais gawin ay may sapat na pamantayan at legal na basehan. Ito ang magsisilbing sukatan kung ang isang tao ay lumalabis sa kapangyarihan na iginawad sa kanya.
Polisiya
Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba upang tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawin.
Pakikipagsab’watan
Manipulasyon ng presyo ng isang produkto sa pamamagitan ng kasunduan ng parehong panig ng pamilian na ibenta ang produkto sa itinakdang presyo na nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at pangangailangan.
Price fixing
Ay isang sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na maging kabahagi ng proyektong inisyatibo ng pamahalaan.
Bidding
Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala ng ating Saligang Batas sa ilalim ng Artikulo ____
V
Ang pagboto ay maaring gampanan ng lahat ng mamamayang Pilipino na hindi diskwalipikado sa ilalim ng batas, na may edad na labingwalong taon pataas, naninirahan sa pilipinas nang hindi bababa sa isang taon, at nananahan sa lugar na nais nilang bumoto, na hindi bababa sa anim na buwan bago ang nakatakdang halalan. Walang karunungan, pagmamay-ari, at iba pang substantibong kahingianang ibibigay upang magampanan ang karapatan na bumoto.
Artikulo V, Seksyon 1
Dapat magtakda ang Kongreso ng isang sistema para maseguro ang pagiging sekreto at sagrado ng mga balota at gayon din ng isang sistema para sa pagbotong liban ng mga kwalipikadong Pilipino na nasa ibang bansa.
Para sa mga taong may kapansanan at mga hindi marunong bumasa at sumulat, ang Kongreso ay dapat bumalangkas ng isang pamamaraan na hindi na kakailanganin ang tulong ng mga ibang tao. Hanggang sumapit ang panahong iyon, sila ay pahihintulutang bumoto sa ilalim ng umiiral na mga batas at ng mga tuntuning maaaring ihayag ng Komisyon ng Halalan upang maprotektahan ng pagiging sekreto ng balota.
Artikulo V, Seksyon 2
Tumutukoy ito sa ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdagdag ng boto sa pinapaborang pulitiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o pareho.
Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud)
Ito ay isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung ang kompsisyon ng mga manghahahalal ay nabago.
Manipulasyon ng eleksyon (election manipulation)
Isinasagawa nag metodong ito kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ng mga botante ay sumusuporta sa kalabang panig o partido. Maari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na magrehistro, o kung sakali man na nakapagparehistro na, ay ang tanggalin sila sa talaan ng mga botante sa pamamagitan ng animo ba ay legal na pagtanggal sa proseso ng korte.
Disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto
Kinokontrol ng mga kinauukulan ang komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa sinusuportahang pulitiko.
Manipulasyon ng demograpiya
Isang partikular na partido o grupo ay gumagawa ng kapakinabangang pampulitika (political advantage) sa pamamagitan ng manipulsyon sa hangganan ng isang distrito (political boundaries).
Gerrymandering
Paglusaw sa kapangyarihang bumoto ng mga tagasuportang kalabang partido sa maraming distrito
Cracking