Yunit 1 Flashcards
masistemang balangkas na
sinalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang ng kultura.
HENRY GLEASON (Austero et al 1999)
proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di berbal
BERNALES et al. (2002)-
pakikipagtalastasan, midyum sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
MANGAHIS et al. (2005)-
kalipunan ng
mga salita at pamamaraan ng pagsasama sama para magkaunawaan.
PAMELA C. CONSTANTINO AT GALILEO S. ZAFRA (2000)-
–parang hininga ang wika gamit upang
kamtin ang pangangailangan
BIENVENIDO LUMBERA (2007)
Ang wika aysumasalamin sa mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan, o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng tao sa Lipunan.
ALFONSO O. SANTIAGO (2003)
- ang wika ay
lawas ng mga salita at Sistema ng paggamit sa mga ito
na laganap sa isang sambayanan na may iisang
tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan
UP DIKSYONARYONG FILIPINO (2001)
Ang wika ay sumasabay sa pagbabago ng panahon at Malaya na tumatanggap ng pagbabago upang patuloy na yumaman at yumabong. Unique, natatangi, may kanya kanyang katangian.
Ano ito?
DINAMIKO o BUHAY
KAHALAGAHAN NG WIKA:
- Instrumento ng Komunikasyon.
- Pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap
ng kultura ng grupo ng bawat tao. - Ipinapakita na may kalayaan at may soberenya ang
bansa. Nagpapanatili ng kamulatan at pagkakakilanlan. - Tagapag ingat tagapagpalaganap ng mga karunungan
at kaalaman. - Wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan,
pakikipagugnayan tungo sa pagkakaunawaan at
pagkakaisa.
12 pangunahing wikang katutubo sa Pilipinas:
- Ilokano
- Bikol
- Tagalog
- Cebuano
- Hiligaynon
- Kapangpangan
- Pangasinense
- Tausug
- Kinaray - a
- Waray
- Maguindanao
- Maranao
bilang ng wikang sinasalita sa buong mundo
5000
ito ang tinatayang bilang ng wika sa Pilipinas
180 hanggang 187-
ipinagamit ang wikang
katutubo. Hindi ipinagamit ang wikang Espanyol; sa
halip, ang mga kastilang mananakop ang nag-aral
ng wika ng mga katutubo
Panahon ng Kastila-
Malayang ipinagamit ang wikang Ingles. Itinuro ang Ingles sa mga paaralan at
ginamit ito bilang wika ng pagtuturo. Maraming
Pilipino ang natuto magsalita ng Ingles.
Panahon ng Amerikano-
tinawag na GINTONG
PANAHON NG TAGALOG. Ipinagbawal ang
paggamit ng wikang Kastila at Ingles. Naging
Puspusan ang pagpapagamit ng Tagalog sa
paaralan
Panahon ng Hapon
– nagsabi na “walang
bansa na nagtagumpay ng hindi gumamit ng
sariling wika”. Siya rin ang itinuturing na ama ng
wikang Pambansa.
Manuel Luis M. Quezon
– “Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay higit pa sa malangsang isda”.
Siya ang pambansang bayaning Pilipinas.
Dr. Jose Rizal
kailan ipinahiwatig ni pangulong Quezon ang kanyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
Oktubre 27, 1936
pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng unang Surian ng Wikang Pambansa
Nobyembre 13, 1936
hinirang ni Pangulong Quezon ang mga kagawad ng
unang Surian ng Wikang Pambansa
Enero 12, 1937-
- inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang
gawing batayan ng pambansang wika
Nobyembre 7, 1937
lumabas ang kautusang Tagapagganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayan ng wika ng Pilipinas
Disyembre 30, 1937
ang unang itinawag sa pambansang wika ng
Pilipinas ayon sa kautusang Pangkagawaran na
nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Pagtuturo 1959.
Pilipino