Wikang Pambansa, Opisyal At Panturo Flashcards
Wikang Pambansa
wika ng politikal, sosyal, at kultural na gawaing Pambansa
Tagalog
(Konstitusyon ng 1935) dineklara ng kongreso na wikang pambansa, batay sa isang umiiral na katutubong wika sa Pilipinas
Pilipino
Pinagtibay ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 bilang bagong tawag sa wikang Pambansa
Filipino
pambansang wika ng Pilipinas habang ito ay nabubuo, patuloy itong papaunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika. (Konstitusyon ng 1987 Art. XIV, sek. 6)
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Sek. 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Sek. 7
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Sek. 8
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Sek. 9
Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
Virgilio Almario
Pambansang Alagad ng Sining
“RIO ALMA”
“Ang wikang opisyal ay ang tinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan”
“Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon”
Wikang Opisyal
Wikang gagamitin sa mga opisyal na talastasan ng pamahalaan
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan at gagamitin sa mga pagtalakay at diskurso sa loob ng bansa
Wikang Ingles
Nagsisilbing lingua franca ng daigdig
Wikang Panturo
Ginagamit sa pormal na edukasyon
Ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga paaralan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 s. 1987
“Ang Filipino at Ingles ay gagamiting mga midyum ng pagtuturo, na ang gamit ay nauukol sa mga tiyak na asignatura sa kurikulum
Mother Tongue-Based Multilingual Education
Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga pampubliko o pribadong paaralan.
Mayroon itong 19 na wika