Mga Konseptong Pangwika Flashcards
Kahulugan ng wika
salitang Latin na “lingua” na nangangahulugang dila; dahil nagagamit ang dila sa paglikha ng tunog at/o kombinasyon ng tunog.
Kahulugan ng wika ayon kay Henry Allan Gleason, Jr.
ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo at ginagamit sa komunikasyon ng isang pangkat na kabilang sa iisang kultura.
Kahulugan ng wika ayon kay Paz, Hernandez at Peneyra (2003)
ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
Kahulugan ng wika ayon kay Charles Darwin
ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake o ng pagsusulat, hindi ito likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
Katangian ng Wika
Masistemang balangkas
Sinasalitang tunog
Pinili at isinaayos sa parang arbitraryo
May iisang kultura
Ginagamit sa komunikasyon
Makapangyarihan
Malikhain
Dinamiko
Ekspresyon
Makulay
Austronesian
mula sa salitang Latin na “Auster” na nangangahulugang South Wind at “Nesos” na nangangahulugang Isla. May humigit kumulang na 145 na angkan ng wika at isa na dito ang angkan ng wikang Austronesian.
Napapangkat ang mga wika dahil:
Sa pagkakatulad ng Tunog, Palabuuan, Palaugnayan at Leksikon
Ayon sa Heograpiya
Ayon sa Kasaysayan ng tao gayundin sa Pananakop
2 Sangay ng Wikang Austronesian
Formosan — sinasalita ng mga mamamayan ng Taiwan, subalit ngayon ay mga katutubo na lamang sa mga malalayong lugar ng Taiwan ito sinasalita kung kaya’t maliit na bilang na lamang ang nagsasalita nito.
Malayo-Polinesyo
- Eastern Malayo-Polinesyo — mga wika sa Micronesia, ilang wika sa Melanesia, mga wika ng Polynesia
- Western Malayo-Polinesyo — Mga wikang Malay, Javanese, Balinese, Malagasy (sinasalita sa Madagascar), Chamic (Vietnam at Cambodia), Micronesia (Chamarro at Palauan), Tagalog
Katangian ng Wikang Austronesian
Gumagamit ng mga panlapi na ikinakabit sa mga salitang-ugat upang mabago ang kahulugan ng isang salita
Ang mga salitang-ugat ay kadalasng binubuo ng dalawang pantig
Ang pag-uulit o reduplikasyon ay ginagamit upang ipakita ang maramihan nito o pagpapalit ng kahulugan
Ang ayos ng VSO o PS (Panaguri-Simuno) ay makikita sa karamihan ng mga wikang Austonesian
Ang paraang ng pagsulat ay maaaring paggamit ng Romano alpabeto o Indian at/o Arabic na pagsulat
Pinagmulan ng wika ayon sa paniniwala sa banal na pagkilos ng Panginoon
Teorya sa Tore ng Babel (Tower of Confusion) — ANg teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa kuwento, ang mga tao ay may iisang wika. Dahil sa nagkakaunawan ang lahat, bumuo sila ng isang tore para mahigitan nila ang panginoon at para hindi sila magkawatak-watak. Nang mabatid ito ng Panginoon, bumaba ito at sinira ang tore. Nang wasak na ang tore, nagkawatak-watak ang tao, dahil dito iba-iba na ang wikang binigkas at nagkaniya-kaniya na sila at kumalat sa buong mundo.
Pinagmulan ng wika ayon sa ebolusyon: Teorya ng Pinagmulan ng wika
1 Teoryang Ding-dong — Ginaya ng mga tao ang tunog ng kalikasan sa paligid
2 Teoryang Bow-wow — Panggagaya ng mga sinauang tao sa tunog na nilikha ng mga hayop
3 Teoryang Pooh-pooh — Sinasabing ang tao ay nakalikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin
4 Teoryang Ta-ta — May kaugnayan ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila
5 Teoryang Yo-he-ho — Nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtratrabaho o gumagamit ng puwersang pisikal
6 Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay — Ang wika ng tao ay nag-ugat sa mga tunog sa kanilang nililikhang ritwal
7 Teoryang Sing-song — Ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong at panliligaw
8 Teoryang Coo Coo — Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol
9 Teoryang Hocus Pocus — Maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto
10 Teoryang Eureka — sadyang inimbento ng tao ang wika
11 Teoryang Mama — Nagmula ang wika sa mga pinakamadaling pantig ng pinakamahalagang bagay
Pinagmulan ng wika ayon sa ebolusyon: Teorya ng Pinagmulan ng wika ayon sa iba’t ibang awtor
Jean-Jacques Rosseau — Ang pagkakalikha ng wika ay hindi nagmula sa pangangailangan nito ngunit nanggaling sa silakbo ng damdamin
Rene Descartes — Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao
Plato — Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan
Charles Darwin — Nakikipagsapalaran ang tao kung kaya’t nabuo ang wika