WIKANG FILIPINO BILANG TAGAPAGTAGUYOD Flashcards
Ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng mga mamamayang
Pilipino sa isa’t isa. Bilang lingua franca nagagamit ito sa
pagbabahaginan at pagpapalitan ng ideya, iniisip, saloobin at marami
pang ibang nararamdaman ng isang tao lalo pa’t ang mga Pilipinong
may iba’t iba ring sinasalitang wika.
Santos, et al., 2012
Tumutulong ito sa pagpapanatili ng Kulturang Pilipino. Wika
ang behikulo, pasulat man o pasalita, upang maihatid ang
kaalaman o impormasyon tungkol sa kultura ng iba’t ibang
pangkat sa Pilipinas. Isa ang wika sa nakatutulong upang lalong
mapayaman ang kulturang Pilipino.
Unknown author or something just plain definition
Habang natutohan ng isang bata ang kanyang katutubong
wika, unti-unti niyang nakukuha ang kanyang kultura. Ang mga
salita na napabilang sa leksikon ng isang wika ay matinding
indikasyon sa uri ng pamumuhay at pananaw sa mundo sa mga nagsasalita nito.
Unknown author or something
Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at
saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa
isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay
maiinitindihan at mapahalagahan maging sa mga taong napaloob
sa tinutukoy na kultura
Rubico
Ang wikang Filipino ay tanda ng matibay na tali na nagbibigkis sa bawat Pilipino. Isang pintong bukas sa kaunlaran para sa makabagong lipunan. Tunay na sandalan hindi lamang ng kapuluan kundi ng iba’t ibang larangan na talaga namang makatutulong sa pagsulong ng bayan. Ang wikang Filipino sa lipunang makabago ay isang patunay, na ang pamana ng kahapon ay susi ng kaunlaran ng sa ngayon.
Lorenzo 2018