KATANGIAN NG KULTURA Flashcards
Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya inaalagan, pinakakain, pinaliliguan, pinapadamit at atbp. ay isang proseso ng kulturang natutunan na nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya. ang prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa pakikihalubilo ng tao sa kanyang pa milya at sa ibang kulturang
Natutunan (Learned)
Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang pagkakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang tao para mamuhay nang maunlad at may alam para maipagpatuloy ang mahusay at matiwasay na pakikisalamuha niya sa kanyang kapuwa.
Ibinabahagi (Shared)
Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang tao sa likas o teknolohikal na resorses. Halimbawa, ang mga Eskimo ay nakatira sa isang napakalamig, may snow, at yelong lugar. Sila ay nabubuhay
zanang normal sa ganitong kalamigan ng kapaligiran samantalang ang ganitong sitwasyon ay imposible sa mga Pilipino na sanay naman sa mainit at katamtamang lamig ng panahon. Ang kulturang urban ay iba naman sa rural dahil din sa resorses na nasa kapaligiran nila. Ang kultura ng isang depres na lugar ay iba sa kultura ng may kapangyarihan at mayayamang lugar. Kaya ang isang sanay na sa buhay-mayaman ay nahihirapan sa buhay-mahirap at ang isang sanay na sa buhay-mahirap ay nakikilala talaga kahit pa punuin ang katawan niya ng maraming alahas.
Naaadap (Adopted)
Ang kultura ay dinamikong sistema at patuloy na nagbabago. Tulad ng wika, may mga kulturang mabilis ang pagbabago at mayroon din namang hindi nagbabago o mabagal ang pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay makikita sa istilo ng pananalita, istilo ng buhok/ gupit, atbp. Ang teknolohiya ay nakapagdudulot ng malaking pagbabago sa kultura. Ang halimbawa nito ay ang pag- unlad sa komunikasyon dahil sa celfon, kompyuter, at iba pang kagamitan.
Dinamiko (Dynamic)
Isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Karaniwan ding mas magaling pa siya
sa wika, gawing, paniniw ala at kaalaman ng kulturang napasukan niya kaysa sa wika, gawi, paniniwala at kaalaman ng kulturang napasukan niya kaysa dati nang miyembro ng nasabing kultura.
Enculturation
Ang pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal sa pagkilala sa mga sosyal at istandard na kultura. Makikilala kung sino ang may mga sosyal na tungkulin tulad ng ina/ ama, asawa/ bana, estudyante, kabataan,
mga titser, banker, policeman/ military men, custodians at iba pa.
Socialization