WIKA AT KOMUNIKASYON Flashcards
Ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika
Opisyal na Wikang Pambansa o Panturo
nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o higit pang kalahok.
Interpersonal
Pasalita kung…
Binibigkas o naririnig
Pasulat ito kung…
Nababasa
Ayon kay ______________ Malawak na Sistema ng simbolong ginagawa ng mga tao.
Achibald A. Hill
Ayon kay ______________ Ang paggamit ng tao sa wika ang dahilan kaya ganap itong nakalalamang sa mga hayop.
Zdenek Salzmann
Wikang madalas gamitin sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Di-Pormal
Sino nag sabi ng “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.”
Dr. Jose P. Rizal
salitang diyalektal
Wikang Panlalawigan
Isang wika itong kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayanan, bansa, o sa ibang lugar. Madalas gamitin sa paaralan o opisina.
Pormal
Ito ay komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat o pasalita.
Berbal na Komunikasyon
slang sa Ingles
Wikang Balbal
Hindi gumagamit ng wika ang ganitong uri ng komunikasyon. Kilos at galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Di-Berbal na Komunikasyon
Ito ang tunog ng bawat letra
Ponema
Proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin.
Komunikasyon
Masining at malikhaing pagpapakahulugan
Wikang Pampanitikan
Ang pinakamaliit na yunit ng isang salita
Morpema
nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng dasal, meditasyon, at pagnilay-nilay.
Intrapersonal
Pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawa.
Komunikasyon
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o lengguwahe”.
Wika
ginagamit sa pangaraw-araw na pakikipag-usap
Wikang Kolokyal
Ayon kay ______________ Ang wika ang kabuuan ng kaisipan ng pangkat ng taong bumuo nito.
Alfred North Whitehead
Ano ang tatlong uri ng Komunikasyon?
1.Komunikasyon Pabigkas
2. Komunikasyong Pasulat
3. Pakikipagtalastasan Gamit ang Teknolohiya
Ang instrumento ng komunikasyon na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Wika