PAMBANSANG WIKA Flashcards
Ayon kay ________________ dapat malaman ng mga gumagamit ng wika ang naging kasaysayan nito upang malaman din kung paano ito nabuo sa kabila ng mga hamon
Ferdinand de Saussure
ANO ANG PAMBANSANG WIKA?
Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.
SINO ANG GUMAWA SA MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG WIKANG PAMBANSA
Dr. Pamela Constantino
hindi kailangan pang pag-aralan, alam na at bahagi ng pang-araw-araw na buhay.
Natural
ginagamit sa pakikipagtalastasan, mga salita at ekspresyong ginagamit sa kasalukuyan.
Buhay
handa sa anumang pagbabago
Dinamiko
Malaya at hindi dapat masupil sa natural nitong gampanin sa lipunan.
Demokratiko
Lahat ng mamamayang kasapi sa iisang kultura at sa iisang wika sa paggamit ng salita.
Pantay-pantay
Gamiting lunsaran ng kaalaman sa loob ng silid-aralan. Paghubog sa diwa ng mga kabataan tungo sa pagpanday ng damdaming maka-Pilipino
Ginagamit
Ano ang naging mainit na paksang tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934?
Ang pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Ano ang panukala ng mga delegado tungkol sa pagpili ng wikang pambansa?
Isang umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang pambansa.
Ano ang naging argumento ng mga maka-Ingles laban sa pagpili ng isang umiiral na wika bilang pambansang wika?
Naniniwala sila na higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa wikang Ingles.
Sino ang nagmungkahi na ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas?
Ang grupo ni Lope K. Santos.
Sino ang sumuporta sa mungkahi ni Lope K. Santos?
Sinusuportahan ni Manuel L. Quezon, na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
Ano ang naging resulta ng pagsusog ni Pangulong Quezon?
Nagbigay-daan ito sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935.
Ano ang sinabi ng Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 tungkol sa wikang pambansa?
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Ano ang mga wikang opisyal bago pa man itakda ng batas ang pambansang wika?
Ang Ingles at Kastila ang mananatiling opisyal na wika hangga’t hindi itinatakda ng batas.
Sino ang may-akda ng Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa?
Si Norberto Romualdez ng Leyte
Ano ang pangunahing tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa ayon sa Batas Komonwelt Blg. 184?
Mag-aral ng mga diyalekto upang magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wika batay sa isa sa mga umiiral na wika ng Pilipinas.
Sa anong batayan pipiliin ang pambansang wika ayon sa Batas Komonwelt Blg. 184?
Batay sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.