WASTONG PAGBABANTAS Flashcards
a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at pautos ng mga pangangausap
b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita.
TULDOK (.)
a. Pangungusap na padamdam
b. Ekspresyong padamdam
TANDANG PADAMDAM O EKSKLAMASYON (!)
a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon
b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod
c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan
d. Bating panimula ng liham pangkaibigan
e. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham pangangalakal
KUWIT O KOMA (,)
a. Paghahanay pahalang ng mga salita
b. Magkakasunod na parirala
c. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusap
d. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan
e. Pagkatapos ng ngalang panawag
f. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno
KUWIT O KOMA (,)
a. bating panimula ng liham pangangalakal
b. pagsulat ng oras
c. pagtatala ng iisa-isahing bagay
d. pagpapakilala ng tuwirang sipi
TUTULDOK O KOLON (:)
– ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa sinusundang
salita
KUDLIT O APOSTROFI (‘)
– ginagamit na pangkulong sa mga pinamimiliang salita o
parirala
PANAKLONG O PARENTESIS ( )
a. Diyalogo
b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.
c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala
d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap
PANIPI O KOTASYON (“ “)
a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal
b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o salita kaya pinag-iisa na lamang na maaaring manatili ang kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatlo
c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-ugnay na at
d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na inuunlapian ng panlaping nagtatapos sa katinig
GITLING (-)
a. Mga pangngalang pantangi na inunlapian
b. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero
c. Fraksyong isinusulat nang pasalita
d. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng napangasawa
e. Paghahati ng salita sa dulo ng linya
GITLING (-)
– ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na hindi pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay
TULDUKUWIT (;)
– pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (….) – sa huli ng pangungusap o katapusan ng sipi
ELIPSIS (…)
– binago sa isang tuwirang sipi at dito ito ipinaloloob, gayundin, ang kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa
BRAKET ([ ])
– may tinanggal na isa o mhigit pang talata sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang may karagdagang. impormasyon nakatalababa o nakafutnowt
ASTERIKO (*)
– gamit sa mga pamagat ng aklat, dula, novella, maikling
kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng babasahin (dyaryo, magasin, jornal, polyeto at mga programang panradyo at pantelevisyon); at banyagang salita.
SALUNGGUHIT (________)