BASTA ITO Flashcards
• naglalahad ng kaisipan o suliraning ibig talakayin sa sanaysay.
Mga gabay sa mahusay na ____________:
➢ gumamit ng mga pangungusap na nakakatawag-pansin;
➢ gumamit ng mga katanungan;
➢ gumamit ng pambungad na salaysay;
➢ gumamit ng siniping pahayag; at
➢ gumamit ng mga salitaan o dayalogo.
PANIMULA
• naglalahad ng paliwanag o pangangatwiran tungkol sa kaisipan o
suliraning binanggit sa simula.
Mga gabay sa mahusay na _________:
➢ simulan sa payak patungo sa mas masalimuot;
➢ simulan sa masaklaw patungo sa tiyak; at
➢ simulan sa di-masyadong mahalaga patungo sa higit na
mahalaga
GITNA O KATAWAN
• nagbubuod ng mga ideyang nakapaloob sa kabuuan ng sanaysay.
Ito rin ang nagbubunsod o nagmumunkahi ng pagkilos.
Mga gabay sa mahusay na ________:
➢ ang pangunahing kaisipan ay inuulit upang mabuod ang
buong nilalaman;
➢ paggamit ng tamang kopya sa isang teksto na matatagpuan sa tula o tuluyan;
➢ pagpaparamdam ng mga ideyang lubos na hinihingi ng sinundang paglalahad at pangangatwiran;
➢ pag-iwan sa isang palaisipan upang patuloy na limiin ng
mambabasa ang nilalaman ng sanaysay;
➢ paglikha ng isang bisyon o pangitain na maaring maganap;
➢ pagsasabi ng pinakamensahe ng akda; at
➢ pagbabalik-tanaw sa mga problemang inilahad sa umpisa
WAKAS
May limang pangunahing katangian ang mahusay na pagtalakay
ng paksa ng isang sanaysay.
- KAISAHAN
- KAGANAPAN
- KALINAWAN
- KAAYUSAN
- PAGKAKAUGNAY-UGNAY
- May ___________ sa mga bagay-bagay.
- Naglalatag ng ___________ upang humikayat o kumumbinsi sa iba ukol sa isang punto.
- Makatotohanan, kapani-paniwala, may ________ at may puso.
- Naglalaman ng pagsusuri at pagmumuni, __________ at pagpapaliwanag o pangangaral.
- Dapat na __________ sa mga mambabasa.
PAGLILINAW, PANININDIGAN, LALIM, PAG-UULAT, NAKIKIPAG-USAP
Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at sa kaisipang ibinabahagi.
TEMA AT NILALAMAN
Ito ay mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulon sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
ANYO AT ISTRUKTURA
mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema
KAISIPAN
ang uri at antas ng_________ ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
WIKA AT ISTILO
nilalarawan ang buhay sa
isang makatotohanang salayay, masining na paglalahad na gumamit ng sariling himig ang may akda.
LARAWAN NG BUHAY
naipahahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
DAMDAMIN
naipahihiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin. Maaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.
HIMIG
• ang sanaysay ay bunga ng pananaliksik at mayroong pagpapahalaga sa mga nakalap na datos
➢ Masinsinang pag-oorganisa ng datos
• Malinaw, lohikal at kapanipaniwalang pagpapaliwanag
• Kritikal ang analisis
• Sa pamamagitan ng pananaliksik, hinahango ng mananalaysay
ang kanyang kuro-kuro at kongklusyon
• Intelektwal na kaligiran (simposya, lektryur, sermon, talumpati)
GENOVEVA EDROZA-MATUTE
• mga sanaysay na nagpapaliwanag ng gawi, kostumbre at estilo ng pamumuhay ng mga katutubo
• paraan ng pananalamin sa pag-aaral o obserbasyon sa kultura ng iba kasama na ang mga ritwal
• naglalayong maitanghal ang kultura ng mga grupong ethnolinggwistiko
• pormal na wika ang ginagamit sa pagpapahayag
ETHNO-ESSAY (Lilia Quindoza)
Halimbawa:
• Editorial …………………………• Kolum
• Rebyu
…………………… ……. • Panunuring Pampanitikan
• Political manifesto ………….• Kathambuhay
• Testimonial…………………….• Investigative/Tekninal
• Research Paper
PORMAL NA SANAYSAY
Anyo ng pananalamin ng may-akda sa kanyang mga naoobserbahan, nakikilatis, nararamdaman at nauunawaan sa mga bagay-bagay batay sa kanyang parspektiba
TALAARAWAN O DYORNAL
Pagpapalitan ng mga kuro-kuro o ideya ng nagsusulatan
LIHAM
May sabdyek, pangunahing paksa at sinasagutang tanong at may Isang paraang ginagamit sa lapit sa
pananaliksik
PANAYAM
Ang lapit at paksa ay personal na pananaw ng mananalaysay at ang paksa ay kadalasang malapit sa puso, hilig o interes ng may-akda
PAMILYAR NA SANAYSAY
Sanaysay ng pagsasalaysay ng may-akda sa mga lugar o paglalakbay na kaniyang nagawa
TRAVELOGUE
Ang litrato mula sa kamera ang siyang bumubuo ng naratibo o kwento
PHOTO ESSAY
Paraan ng pagtatasa ng manunulat sa nakita o nabasa niya
REBYU
Opinion batay sa indibidwal na manunulat o buong pahayagan
TUDLING
➢ pormal na pananaliksik na may ganap na haba
➢ paglalahad at deskriptibong paglalarawan at pag-oorganisa
ng mga datos
➢ naglalayong bigyang kasagutan o kalutasan ang isang
suliranin
TESIS O SULATING PANANALIKSIK