w6 Flashcards
ang
pagkakaugnay ng serye ng mga
salita o pangungusap na bumubuo ng
isang makabuluhang teksto.
KAKAYAHANG
DISKORSAL
nagaganap ang komunikasyon sa
isipan ng isang tao
Komunikasyong Intrapersonal
nagaganap ang komunikasyon sa
pagitan ng dalawang tao o maliit na
grupo.
Komunikasyong Interpersonal
Kung dati rati ito ay patungkol sa
pagtatalumpati o pagsasalita sa
harap ng maraming tao, ngayon ay
saklaw na rin ng antas na ito ang
komunikasyong pampolitika,
palipunang pamimili at pagtitinda,
pagpapatatag ng samahan, at
estratehikong pananaliksik.
Komunikasyong Pampubliko
Kakayahang mabago ang pag-uugali
at layunin upang maisakatuparan ang
pakikipag-ugnayan.
Pakikibagay (Adaptability)
Kakayahang gamitin ang kaalaman
tungkol sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba.
Paglahok sa Pag-uusap (Conversational
Involvement)
Kakayahan ng isang taong
pamahalaan ang pag-uusap.
Nakokontrol nito ang daloy ng
usapan at kung paanong ang mga
paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
Pamamahala sa Pag-uusap
Kakayahan ng isang taong mailagay
ang damdamin sa katauhan ng ibang
tao at pag-iisip ng posibleng
mangyari o maranasan kung ikaw ay
nasa kalagayan ng isang tao o
samahan.
Pagkapukaw-damdamin
Tumutukoy ito sa isa sa dalawang
mahahalagang pamantayan upang
mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo ang pagtiyak
kung epektibo ang pakikipag-usap.
Bisa (Effectiveness)
naiaangkop niya ang kanyang wika sa
sitwasyon, sa lugar napinangyarihan
ng pag-uusap p taong kausap.
Kaangkupan (Appropriateness)