Uri ng tula Flashcards
6 tulang liriko
- Awit
- Soneto
- Oda
- Elehiya
- Dalit
- Pastoral
Binubuo ito ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, may 12 pantig sa bawat taludtod, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.
Awit
Ang awit ay may _______________ na paksa.
malungkot
Ilang linya ang meron sa soneto?
14
Ito ay hinggil sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Soneto
Ito ay papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha sa interes ng makata.
Oda
May kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.
Elehiya
Ito ay nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa.
Dalit
Ito ay may kahalong pilosopiya sa buhay.
Dalit
Patungkol ito sa kabuhayan sa bukid.
Pastoral
3 uri ng tulang pasalaysay
- Epiko
- Awit o kurido
- Karaniwang tulang pasalaysay
Ito ay mahabang kuwento na tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihang gawa at mga kaganapan ng makabuluhan sa isang kultura o bansa.
Epiko
Ilang sukat ang nasa awit at kurido?
8
Ito ay mga alamat o kuwento galing sa Europa.
Awit at kurido
Patungkol sa pangyayari sa araw-araw na buhay.
Karaniwang tulang pasalaysay
3 uri ng tulang patnigan
- Balagtasan
- Karagatan
- Duplo
Ito ay tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
Balagtasan
Paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
Duplo
Ito ay hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
Duplo
Pagsasadula ng paghahanap ng krus na pinakuan kay Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino.
Tibag
5 uri ng tulang pantanghalan o padula
- Tibag
- Senakulo
- Panunuluyan
- Moro-moro
- Sarswela
Ito ay naglalarawan ng buong buhay hanggang sa muling pagkakabuhay ng ating panginoong Hesukristo.
Senakulo
Paglalaban ng mga Muslim at Pilipinong Kristiyano.
Moro-moro
May maganda at makulay na kasuotan at patula ang pagsalita.
Moro-moro
Melodramang may 3 yugto na ang paksa ay tungkol sa mga masisidhing damdamin.
Sarswela
Isang laro sa tula o paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
Karagatan
Ito ay prusisyon ginaganap tuwing disperas ng pasko.
Panunuluyan