Tula Flashcards
Isang masining na likha ng imahinasyon at damdamin.
Tula
Para sa premyadong makata na si _________________, ang tula ay mahiwaga at matalinghaga sapagkat tila isa itong nilalang na nagkakaroon ng sariling buhay kapag isinulat sa papel at binasa o binagkas.
Mark Angeles
Ayon sa makatang Ingles na si ______________________, ang tula ay ang kusang-loob na pagdaloy at pag-apaw ng makakapangyarihang damdamin na nagmula sa mga tinipong emosyon mula sa kapayapaan at katahimikan.
William Wordsworth
Ito ay tulang karaniwang maikli at maaaring awitin, lapatan ng musika, at gamitin ng instrumento dahil sa maindayog na paghabi nito ng mga salita.
Tulang liriko
Nagpapahayag din ito ng marurubdob na damdamin.
Tulang liriko
Ito ay mga tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari at karanasan ng isang tao, bayani, diyos, at iba pa.
Tulang naratibo
Ito ay mga tulang detalyadong naglalarawan upang makalikha ng mga imahen sa damdamin, kapaligiran, o daigdig ng persona o makata.
Tulang naglalarawan
Nagbibigay ng kariktan sa tula at nagpapatunay rito bilang isang likhang-sining.
Talinghaga
Nagmumula ito sa malikhaing paghahabi ng mga salita at paggamit ng imahen ng isang bagay, sitwasyon, o pangyayari upang magpahiwatig ng ibang sapin ng kahulugan liban sa tuwirang inilalarawan ng mga taludtod.
Talinghaga
Ang tinig na nagsasalita sa tula.
Persona
Katangian ito ng tradisyonal na tula na nagkakahawig ang mga tunog sa dulo ng taludtod.
Tugma
Larawang nabubuo sa isipan ng mambabasa mula sa pagbabasa ng tula.
Imahen
Ito ay tumutukoy sa magkakatulad o tiyak na bilang ng pantig sa lahat ng taludtod.
Sukat
Ito ang nagbibigay sa tula ng ritmo at indayog kapag binibigkas.
Sukat
sukat na dalwahan
couplet