Uri ng Panitikan Flashcards
Ito ay sinusulat ng pasaknong, binibigkas nang may indayog, matalinhaga, may sukat at tugma. Maaari din itong malaya na wala ang sukat o ano mang tugmaan.
Patula
Isinusulat nang patalata. Karaniwan ang salita ay tuloy-tuloy ang pagpapahayag. Mahabang salaysayin
Tuluyan
Kung ang panitikan ay itinatanghal sa entablado. Pa-iskrip ang pagkakasulat nito at binubuo ng mga tagpo at yugto. Dati itong nasasaklaw ng anyong patula noon sapagkat ang mga dula noon ay itinatangal nang patula.
Patanghal
Isang tulang nagsasaad ng kabayanihan at kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan.
Epiko
Isang uri ng tulang lalabindalawahing pantig at binibigkas nang mabagal. Ang mga kaganapan ay nagmula sa danas ng isang indibidwal.
Awit
Isang uri ng tula na wawaluhing pantig at binibigkas nang mabilis. Pantasya at kababalaghan ang karaniwang nilalaman nito.
Korido
Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y inaawit habang may nagsasayaw.
Balad
Isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalaki.
Balitao
Binubuo ng labing-apat na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Soneto
Isang uri ng tulang liriko na karaniwang inaawit na may kaalinsabay na gawain. Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo.
Kantahing Bayan o Awiting Bayan
Awitin sa pamamangka
Talindaw
Awitin sa mga kasal at panliligaw
Diona
Awit na pampatulog sa mga musmos na anak
Oyayi (Lullaby)
Awit bilang pagpupuri at pararangal sa Diyos
Dalit
Damdamin para sa alaala ng yumao
Elehiya
Papuri o masiglang damdamin. Walang bilang ng pantig at saknong
Oda
Awit ng pakikidigma at pakikibaka
Kumintang
Awitin matapos ang maghapong pagtatrabaho sa bukid. Awit sa pasasalamat sa masaganang ani.
Kalusan
Awit ng tagumpay
Sambotani
Awit tungkol sa pag-ibig. Ito raw ang totong OPM sapagkat representasyon ito ng awiting Pilipino.
Kundiman
Pagpapalitan ng katwiran sa anyong patula.
Balagtasan
Mga sinaunang tula na maikli lamang
Karunungang Bayan
hango sa karanasan ng matatanda. Matalinhaga. Tungkol sa kagandahang-asal.
Salawikain
Namumuna ng kilos ng tao.
Kasabihan
Mga bagay na pinahuhulaan. Pabilisan sa pag-iisip.
Bugtong
Pagbibigay respeto sa mga nilalang na hindi nakikita.
Bulong
Pahayag mula sa banal na kasulatan.
Kawikaan (or Parabula ba???)