Teoryang Pampanitikan Flashcards
Nangangailangan ng masusuing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat binibigyang diin dito ang simbolong ginamit upang maipabatid ang mensahe ng akda.
Arketipal/Arketaypal
Kinikilala ng teoryang ito, na sub-genre ng Modernismo, ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.
Imahismo
Katangian ng teoryang ito ang pagiging makapangyarihan ng emosyon. Bukod dito, nagpapakilala rin ito ng katwiran sa mailusyon o optimistikong pananaw ukol sa buhay.
Romantisismo
Sa teoryang ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat.
Sikolohikal
Ang teoryang ito ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. Ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nagyayari s alipunan.
Sosyolohikal
Kinikilatis sa teoryang ito ang pagpapahalagang pangkatauhan ng mga karakter na maaaring magpakita at magdala sa mambabasa sa mabuti o masamang landas.
Moralistiko
Masasalamin din s atoeryang ito ang mga katotohanan tungkol sa diskriminasyong natatanggap ng may ibang kasarian o miyembro ng LGBTQIA+.
Queer
Ang teoryang ito ay naglalayong magbahagi ng mga akdang patungkol sa mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon ng isnag lugar. Ipinakikita rin dito na nag bawat lipi ay natatangi.
Kultural
Unang lumitaw noong 1974, na nagusulong sa pantay na pagtingin s ababae at lalake. Pinalulutang din dito ang kakayahan at kalakasan ng babae.
Feminismo
Sa teoryang ito, malaya at responsable ang tao s akanyang sarili at mga desisyon. Nauuna ang “eksistens” bago ang “esensya”. Binibigyang pansin din dito ang kilos at ang katwiran kaysa sa iba pang kaisipan.
Eksistensyalismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.
Marxismo
Ang pangunahing kaisipan sa teoryang ito ay “isip muna bago damdamin.” Taglay rin ng teoryang ito o pinakikita rito ang pag-uuri o pagpanig ng estado ng lipunan.
Klasismo/Klasisismo
Binibigyang atensyon sa teoryang ito ang kaayusan, at estilo o paraang artistiko ng teksto dahil saklaw ng teoryang ito ang pisikal na katangian ng akda tulad ng nilalaman, kaanyuan o kayarian, at paraan ng pagkasulat.
Formalistiko
Ipinaglalaban ng teoryang ito ang katotohanan kaysa kagandahan. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-politikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
Realismo
Pananaw na tao lang ang sentro ng mundo; hindi ito tulad ng Eksistensyalismo. Kumikilala sa kakayahan ng tao para mag-isip at magpasiya sa kanyang sariling tadhana.
Humanismo