Uri ng Panitikan Flashcards
TULUYAN o PROSA
- nagpapahayag ng kaisipan. Ito’y isinusulat ng patalata
PATULA
nagpapahayag ng damdamin. Ito’y isinusulat ng pasaknong.
Mga akdang TULUYAN O PROSA
ALAMAT
isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.
ANEKDOTA
isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
NOBELA
o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.
PABULA
(Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
PARABULA
o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
MAIKLING KWENTO
isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kuwento.”
DULA
isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
SANAYSAY
isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
TALAMBUHAY
isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
MGA AKDANG PATULA
Mga TULANG PASALAYSAY
pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
AWIT
Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.