Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan Flashcards

1
Q

KLASISMO

A

Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan na nagmula sa Gresya. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipan kay sa damdamin. KLASISMO Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid
at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

HUMANISMO

A

to ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsibol o Renacimiento (Renaissance). Ito ay nagmula sa salitang ingles na “human” o tao sa Filipino.Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa. Ayon kay PROTAGORAS (Villafuerte, 1988) “Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.”

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

IMAHISMO

A

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
Isang pamamalagay na kinakailangang gumamit ng matipid at maingat na paggamit ng mga salita upang makabuo ng konkretong imahen. Ito ay umusbong noong 1900 at sa unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumalaganap ang imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera. Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

REALISMO

A

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng
may- akda sa kanyang lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may- akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

FEMENISMO

A

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

PORMALISMO O PORMALISTIKO

A

Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi binibigyang-diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang mababanaag
na implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal, at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Sinusuri rito ang tauhan, banghay, tema, tagpuan at suliranin ng kwento.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

SIKOLOHIKAL

A

Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o paraang artistiko ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo tulad ng histori, politika, at talambuhay.
Halimbawa: SUYUAN SA TUBIGAN Ang pagpapaligsahan ng dalawang tao para sa
isang pag-ibig at ang pagpili ng isang tao para sa ikasasaya ng kanyang puso.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

SIKOLOHIKAL

A

Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din ang mga negatibong damdamin
ng pangamba, takot, galit, pagkabigo, at iba pa. Mahalagang masuri ang emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal. Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior
dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

EKSISTENSYALISMO

A

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil utak ang nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

ROMANTISISMO

A

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Binibigyang halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas. Pagtakas mula sa realidad o katotohanan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

MARKISMO/MARXISMO

A

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang- ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga
mambabasa. Pinakikita ang pagtutunggali o paglalaban ng dalawang magkasalungat ng puwersa.
Inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Sumasagisag sa tao na may
sariling kakayahan na umangat sa buhay.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

SOSYOLOHIKAL

A

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Sa pagsusuri ng mga akda ay natatalakay ang mga kalagayang sosyal, ang kapamuhayan, ang mga sitwasyong naguudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa ganoon at ganitong buhay, mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga kaya ng mga pang-aapi at pagkaapi, pagkaduhagi, kaimbihan o dili kaya’y ng kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

MORALISTIKO

A

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad
ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Sa pag-aaral ng akda ay naroroon ang moralistikong pananaw at binibigyang-diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at itakwil ang kasamaan. Ngunit huwag ipagkakamali na sa pag-aaral ng akda [na ginamitan nito] ay sapat nang itanong kung anong aral ng akda dapat matutong timbangin ang lakas at kahinaan ng tao sa harap ng pagsubok.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

BAYOGRAPIKAL

A

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

QUEER

A

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa
mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman
ay queer

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

HISTORIKAL

A

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

17
Q

KULTURAL

A

Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

18
Q

FEMINISMO – MARKISMO

A

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na
ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

19
Q

DEKONSTRUKSYON

A

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag- udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghaluhalong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo

20
Q

NATURALISMO

A

Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang heredity at kapaligiran. Sa panitikan, layon nito na ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay. Nabibigyang pansin dito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan

21
Q

NATURALISMO PANGKALAHATANG PANANAW

A

“Huwag niyong husgahan ang
tao sa panlabas niyang anyo bagkus alamin muna ang pinagmulan ng katangian niyang
ito” sapagkat “kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang iyong
matatanggap.”

22
Q

SIKO-ANALITIKO

A

Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. “Nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay.” Nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan

23
Q

ARKETIPAL

A

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng mayakda sa mga mambabasa. Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo o imahe sa mga
kwentong hango sa mitolohiya, epiko, o maging sa bibliya tulad ng kalapati, tanikala, timbangan, kandila, sulo, at iba pa