Unang Linggo Flashcards
ito ay ang presyon na gawa ng pagpapalabas ng hiningang galing sa baga.
ENERHIYA
ito ay pinapakatal ang mga babagtingang pantinig.
ARKTIKULADOR
ito ay ang nagmomodipika ng tunog tulad ng bibig at guwang ng ilong.
RESONADOR
Apat na Bahagi ng Bibig na Mahalaga sa Pagbigkas ng Tunog
- dila at panga (sa ibaba)
- ngipin at labi (sa unahan)
- matigas na ngalangala (sa itaas)
- malambot na ngalangala (sa likod)
Maagham na pag-aaral ng makahulugang tunog o PONEMA. Isang pag-aaral sa espesipikong tunog at mga kombinasyon nito na bumubuo sa mga salita ng isang wika.
PONOLOHIYA O PALATUNUGAN
Ilan ang Mga Ponemang Segmental
21 ponema
Katinig -(16) P,B,M,T,D,N,S,L,R,Y,K,G,W,H,NG,¿
Patinig - (5) A,E,I,O,U
Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig.
Diptonggo
tinatawag ding kambal-katinig kung saan ang dalawang magkaibang katinig ay magkatabi sa isang pantig.
Hal.
KLIMA- KLI.MA
Klaster
- pares ng salita
- magkaiba ng kahulugan
- magkapareho ng kaligiran maliban sa isang ponema na nasa parehong posisyon
- magkatulad ng bigkas
PARES MINIMAL
Impit na tunog. Inirereprisintang tuldik na paiwa( `) para sa mga salitang binibigkas ng malumi o mabagal na may impit, pakupya para sa mga salitang binibigkas ng maragsa o mabilis na may impit (^) at gitling kapag nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig at patinig( - ).
Halimbawa ng mga salitang may impit:
Bata(child)
Sapa(small river)
GLOTTAL
Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa ng isang wikang pambansa sa isa sa mga umiiral na wika sa pilipinas
1935 Constitution - Artikulo XIV sek 3
Hiniling ni pangulong Manuel L. Quezon sa konreso ang pagbuo ng suriang wikang pambansa
Oktubre 27, 1936
Pinatibay ng kongreso ang batas Komonwelt 184 na nagtatatag ng pambansa surian ng wika.
Nobyembre 13, 1936
Hinirang ng pangulo Ang mga Kagawad ng Pambansang Surian ng Wika.
Enero 12, 1937
Nagpalabas sila ng isang resolusyon na nagmumungkahi sa pangulo ng pilipinas na Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa.
Nobyembre 9, 1937