PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA Flashcards
1
Q
- Gumagamit ng iba’t ibang wika sa buong bansa.
- Ang mga panitikan ng katutubo ay nasa wikang ginagamit sa lugar na tinitirhan.
- Baybayin ang paraan ng pagsulat sa Luzon at Visayas,Sanskrit sa Mindanao.
A
PANAHON NG KATUTUBO
2
Q
- Ang Baybayin na naging Romano.
- Naisulat ang unang diksyunaryo at aklat gramatika tungkol sa iba’t ibang wika.
- Naging bahagi ng talasalitaan ng mga Pilipino ang Kastila.
A
PANAHON NG KASTILA
3
Q
- Ginagamit ng mga propagandista sa pagpapahayag ang wikang Kastila.
- Ginagamit ng mga manghihimagsikan ang Tagalog sa pagsulat ng tula, sanaysay, liham at talumpati.
- Ginamit ang Tagalog sa Konstitusyon ng Biakna Bato.
A
PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN
4
Q
- Ingles ang midyum na ginamit sa pagtuturo at komunikasyon.
- Ang mga manunulat ay sumulat sa Kastila,Ingles,Tagalog at mga wika ng rehiyon.
- Nasa wikang Ingles ang mga aklat sa pagtuturo.
- Ninais na magkaroon ng wikang pambansa.
- Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa at pamunuan nito.
- Sinimulan ang pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas upang makapili ng wikang pambansa.
- Nalimbag ang unang diksyunaryo at aklat balarila sa Tagalog.
A
PANAHON NG AMERIKANO
5
Q
- Sapilitang pinaturo ang Nihonggo at inalis ang Ingles.
- Ginamit ng mga Pilipino ang sariling wika sa pagsulat.
- Kinilalang Gintong Panahon ng nobela at maikling kwento.
A
PANAHON NG HAPON
6
Q
- Paglaya sa tatlong panahon ( Kastila,
Amerikano, Hapon). - Naging midyum sa paaralan ang Ingles at asignatura ang Pilipino.
- Nagkaroon ng mga aklat sa Pilipino.
- Nagsagawa ng maraming pag-aaral sa wika upang magamit sa pagtuturo.
A
PANAHON NG REPUBLIKA
7
Q
- Ipinatupad ng DepEd ang Patakarang Bilinggwalismo.
- Naglimbag ng mga aklat sa Filipino para sa elementarya at sekondarya.
- Maraming samahan ang naitatag.
- Nagkaroon ng maraming patimpalak.
- Lumaganap ang paggamit ng wika.
- Ipinatupad sa mga paaralan ang “Speak in English Policy”Naipatupad ang K to 12 at nagkaroon ng asignaturang MTB
A
KASALUKUYANG PANAHON