TUNGGALIAN Flashcards
Isa sa mga sangkap ng kuwento ay ang tunggalian na humuhubog sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento
Tunggalian
Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. Karaniwang pinoproblema ng tauhan kung ano ang pipiliin, ang tama o mali, o mabuti o masama
Tao laban sa sarili
Dito ang tao ay nakikipagbanggaan o nakipaglalaban sa isa pang tauhan. Ito ay labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida.
Tao laban sa tao
Karaniwang nagyayari ito kapag ang tauhan o mga tauhan ay direktang naapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan.
Tao laban sa kalikasan
Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan.
Tao laban sa lipunan