TULA Flashcards
isang akdang pampanitikan na isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, imahinasyon at mithiin sa buhay.
Tula
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
Sukat
Ito ay tumutukoy sa pagkakasintunugan ng huling salita ng mga taludtod
Tugma
tinutukoy nito ang pangkalahatang diwa o kaisipan ng tula na nais iparating sa mga mambabasa.
Makabuluhang diwa
tinutukoy ng sangkap na ito ang paggamit ng mga piling salita sa tula upang ito ay maging maganda.
kariktan
Yaong binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma
Matandang/makalumang tula
yaong tulang walang sukat at tugma.
Malayang taludturan
Naglalarawan ng mga pangyayaring naihahalintulad sa tunay na buhay. Ito’y isinusulat upang itanghal.
Tulang pandulaan
Nagsasaad ng masisidhing damdamin ng makata, gaya ng kaligayahan, kasawian, kalungkutan, kabiguan, poot, tagumpay, galak, atbp.
Tulang padamdam
Naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari. Kabilang sa ganitong uri ng tula ang epiko, awit, kurido, atbp.
Tulang pasalaysay
Naglalarawan ng pagtatagisan ng talino at pangangatwiran ng dalawang mambibigkas.
Tulang sagutan