Tula sa Panahon ng Hapon Flashcards
_____ – ito ay maikli ngunit may sukat at tugma. Bunubuo ng apat na taludtod na may pitong
pantig. Nagtataglay rin ng mga matatalinghagang kahulugan.
Tanaga
____ - isa ito sa mga kinagigiliwan ng mga Hapon. Ito ay binubuo ng labimpitong pantig na
nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod nito ay may limang pantig, ang ikalawa ay
pitong pantig, at ang ikatlo ay limang.
Haiku
____ – Maikling tulang binubuo lamang ng tatlumpu’t isang pantig, nahahati ito sa limang
taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7, 7-7-7-5-5. Maaaring magkakapalit-palit din ang bilang ng
bawat taludtod na ang kabuoan ay tatlumpu’t isa.
Tanka
Sumulat ng PALAY
ldefonso Santos
Sumulat ng TUTUBI
Gonzalo K. Flores
Sumulat ng PAGLISAN
Laurengamot
Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong 1941-1945 ay nabalam sa
kaniyang tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli tayong sakupin ng isa na namang
dayuhang mapaniil, ang mga ____.
Hapones
Namumulaklak ang panitikang Tagalog sa utos ng mga Hapones na
gamitin ang sariling wika sa panulat. Ito ang dahilan kung kaya’t tinawag ang panahong ito na
_____.
Gintong Panahon ng Panitikan
Si ____ na dating manunulat sa Ingles ay nabaling sa pagsulat sa Tagalog, dahil sa
mahigpit na pagbabawal ng pamahalaang Hapon tungkol sa pagsulat ng anumang akda sa
Ingles.
Juan Laya