IBA’T IBANG URI NG MAIKLING KUWENTO Flashcards
– ang kuwento ay nagpapatungkol sap ag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na tauhan.
Kuwento ng Pag-ibig
– nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan doon, at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar. Isang halimbawa nito ay ang Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda.
Kuwento ng Katutubong Kulay
– Matindi ang damdaming nagbibigay-buhay sa kuwentong ganito. Nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nalikha ng mga pangyayari sa katha.
Kuwento ng Katatakutan
– dito ang pangyayari ay kapunapuna at makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga taong kasangkot.
Kuwento ng Madulang Pangyayari
– sa ganitong anyo ng kuwento, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na nasa mga tauhan. Ang ating pagkawili ay nasusubaybayan sa pamamagitan ng kawili-wiling mga pangyayaring nag-ulat ng pakikipagsapalaran ng bayani ng kuwento.
Kuwento ng Pakikipagsalapalarang Maromansa
– ang pananabik ng mambabasa ay nasa mga bagay na katakataka at mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip.
Kuwento ng Kababalaghan
– ang uring ito’y lalong malapit sa salaysay kaysa kuwento. Ang galaw ng mga pangyayari ay magaan, may mga pangyayaring alanganin, at may himig na nakakatawa ang akda.
Kuwento ng Katatawanan