Tula Flashcards
dulang musika o isang melodramang may 3 yugto na ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho, paghihiganti, pagkasuklam, at iba pang masidhing damdamin
sarswela
paglalaban ng mga Muslim at mga Pilipinong Kristyano
Moro-moro
ito ay paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mahal na birhen sa pagsilang kay Hesukristo
Panunuluyan
isang dulang naglalarawan ng buong-buhay hanggang sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo
Senakulo
pagsasadula ng paghahanap ng krus na pinakuan kay Kristo Nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino
tibag
karaniwang itinatanghal sa theatro
tulang pantanghalan
isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
duplo
isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat na singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat
karagatan
tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan
balagtasan
kabilang sa uring ito ang karagatan, dupolo, at balagtasan
tulang patnigan
ay mga paksa na tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay
karaniwang tulang pasalaysay
isang uri ng panitikang filipino kung saan ito ay may walong sukat.
- kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa
awit at kurido
isang mahabang kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan
epiko
isang tula na may balangkas
tulang pasalaysay
tula patungkol sa kabuhayan sa bukid
pastoral
isang uri ng tula karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa at may kahalong pilosopiya sa buhay
dalit
tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan
elehiya
karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda
oda
isang tula na karaniwang may 14 linya
soneto
karaniwan itong may malungkot na paksa o sad love songs kumbaga
awit
isang masining na likha ng imahinasyon at damdamin
tula
nagmula ang salitang tula sa salitang griyego na “poiema”
“isang bagay na nilikha o ginawa”
Uri ng tula
Tulang liriko
Tulang naratibo
Tulang naglalarawan
karaniwang maikli at maaaring awitin, lapatan ng musika, at gamitan ng instrumento dahil sa maindayog na paghabi nito ng mga salita.
tulang liriko
mga tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari at karanasan ng isang tao, bayani, diyos, at iba pa
tulang naratibo
tulang detalyadong naglalarawan upang makalikha ng mga imahen sa damdamin, kapaligiran, o daigdig ng persona o makata
tulang naglalarawan
nagbibigay ng kariktan sa tula at nagpapatunay rito bilang isang likhang-sining
talinghaga
tinig na nagsasalita sa tula
persona
larawang nabubuo sa isipan ng mambabasa mula sa pagbabasa ng tula
imahen
tradisyonal na tula na nagkakahawig ng mga tunog sa dulo ng taludtod
tugma
dalawang uri ng tugma
tugmang patinig
tugmang katinig
tumutukoy sa magkakatulad o tiyak na bilang ng pantig sa lahat ng taludtod
sukat
8 na sukat
couplet - dalawahan (2)
tercet - tatluhan (3)
quatrain - apatan (4)
limerick - limahan (5)
sestet - animan (6)
septet - pituhan (7)
octava - waluhan (8)
soneto - labing-apatan (14)
emosyon o damdamin ng persona sa tula
tono
elementong bumubuo sa isang tula:
talinghaga
persona
imahen
tugma
sukat
tono
isang pambihirang anyo ng sining sa larangan ng panitikan na tumatagos sa puso at isipan ng mambabasa
tula