Tayutay Flashcards
isang sangkap sa pagtula na ginagamit din sa lahat ng anyong pampanitikan
Tayutay
ito ay paghahambing ng dalawang magkaibang bagay ayon sa magkatulad nilang katangian
pagtutulad
ito ay tuwirang pag-angkin ng isang bagay sa katangian ng iba pang bagay
pagwawangis
ito ay pagbibigay-katangian ng tao tulad ng talino, gawi, o kilos sa mga bagay na walang buhay
pagsasatao
paggamit ng mga salitang naglalarawan o gumagagad ng tunog
paghihimig
mga pahayag na masidhi, labis sa katotohanan, at kadalasang hindi kapani-paniwala ang literal na kahulugan
pagmamalabis
pagpapalit ng pangalan ng isang bagay para sa iba pang bagay, hindi upang maghambing, kundi upang ipakatawan ang isa sa isa tulad ng ugnayang sanhi o bunga sa sinagisag
pagpapalit-tawag
pagbanggit sa isang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan nito.
pagpapalit-saklaw
ito ay ang mapang-uyam at tila nagpapatawang paraan ng pagsulat o pagpapahayag, na nagsasanhi sa pagiging salungat ng literal na kahulugan ng mga salitang ginamit sa tunay na kahulugan nito
pag-uyam
ito ay kongrektong bagay o tao na kumakatawan sa ibang bagay na higit na abstrakto
simbolismo
9 na Uri ng Tayutay
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagsasatao
Paghihimig
Pagmamalabis
Pagpapalit-tawag
Pagpapalit-saklaw
Pag-uyam
Simbolismo